THIRD PERSON'S POV "Pasensya ka na, Bree, hija. Sa susunod na lang natin ipagpatuloy ang dinner," hinging paunmanhin ni Odessa nang nasa labas na sila ng restaurant. "Ayos lang po, Tita. Nangyayari talaga minsan ang aberya marami pa naman pong ibang pagkakataon." Ngumiti ito at dumako ang tingin nila kay Kandrick. Nakasandal ang binata sa may pinto ng pampamilya nilang sasakyan habang ito'y nakahulikipkip, tulala habang nasa baba ng semento ang tingin na halatang lumilipad ang isip. "Kakausapin ko iyan mamaya kung anong ginawa niya kay Aya kung bakit umuwi ng hindi man lang nagpapaalam iyung bata. Sigurado ay inaway na naman niyan!" Napa-iling si Odessa, gigil sa anak. Kutob niya na may sinabi na naman itong nakasakit dito dahil hindi naman aalis iyon nang basta lang nang hindi man la