THIRD PERSON'S POV² "Anong napagusapan niyo ni Ayana kanina sa labas ng resto? Bakit umalis iyon na hindi man lang nagpaalam??" tanong ni Odessa pagkarating na pagkarating nila ng bahay. Tinungo ni Kandrick ang kusina at sinundan naman siya ng Mama niya hanggang fridge at kumuha siya ng isang pitsel ng tubig at baso sa itaas ng cabinet at nag-salin. Hindi siya umimik. "Kandrick, tinatanong kita." He drinks the water from the glass first and gulps before he answers to her mother. "Ask her." Tanging iyon lang ang nasabi niya kaya nag-umusok ang ilong ni Odessa at napingot siya! "Aray! Ma! Ano ba!" Inalis niya ang kamay ni Odessa sa tainga niyang namula at asar niyang hinarap ito. "Ako, h'wag mo ako madaaan-daan diyan sa kasungitan mo, Kandrick! Nanay mo 'ko kaya ako kausapin mo 'ko n