Pinatikim ko rin sila at hinayaan kong saluhan nila ako kumain at ang sahig ang nagsilbing lamesa kahit kumain na sila ng hapunan nila kanina. "Nagustuhan niyo ba?" tanong ko. Pareho silang tumango bilang sagot at pareho pang may hawak ng mga chicken cuts sa pareho nilang mga kamay habang ngumunguya pa at tuwang-tuwa sila sa kinakain nila kaya natawa ako sa mga itsurang parang bata sila kumain. "Ngayon lang ba kayo nakakain ng ganiyan?" tanong ko ulit na 'di naman patuya pero nagmukang patuya dahil muka silang nasasabik sa pagkain. Nilunok muna ni Maura ang nginunguya bago siya sumagot. "Oo eh..." Halatang nahiya pa siya. Kumain lang ako ng kaunti at ibinigay ko na nga sa kanila lahat. "Sa inyo na iyan," Itinulak ko ang food disposable container sa kanila. Hindi iyon tira-tira dahil