AYANA AMELIA LAVIÑEZ
"You b*tch! You're still obsessed with that boy??" Vanessa asked me in disbelief.
Nandito kami ngayon sa sasakyan ko habang nakatanaw ako mula sa bintana kung nasaan ang lalaking minamanmanan ko sa loob ng mahala nang panahon.
He looks very different now... ilang buwan lang naman ako nawala pero para atang ang laki ng naging naging pagbabago sa kanya kaysa noong huli ko siyang nakita.
Mas lumalaki pa ang katawan, mas naging matsong-matso... at lalong gumuwapo. Ano kayang pakiramdam ng mahawakan ang ma-muscle niyang biceps?
Nasa ilalim sila ng isang tolda tent, nakatoka siya ngayon sa checkpoint, nag-aabang ng mga sasakyan mayroong mga violation o kahina-hinalang vehicles.
Itinigil ko ang sasakyan rito sa hindi gaanong kalayuan at sinadya ko talaga isama itong kaibigan ko para may lakas ako ng loob gawin ang plano ko.
"Correction. He's not a boy, he's a man. I hope you find the difference." I smiled while my eyes still fix on the handsome masculine police officer standing from afar.
I heard Vanessa groaned. "What are you planning, huh? You stalking that man for almost a year! He's a policeman for Pete's sake! And he would sue you if he found out that he has a stalker and it's you! A woman he doesn't even know!" she said hysterically so I rolled my eyes at her.
"Stop overreacting," I said plainly. "Relax, okay? You think a beautiful and hot woman like me will be sued by him? Oh come on!" I chuckled. "I'm sure if I remove my panty in front of him, susunggab iyan," biro ko pa at sinabayan ng tawa.
Napa-iling na lang sa akin ang kaibigan ko. "Muka ngang suplado, hindi ba ilang beses mo na sinubukan makabunggo iyan? Hindi ka nga tiningnan." Tinawanan niya rin ako.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Because he was in a rush that time. Humingi naman siya ng sorry after he bumped into me."
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Correction!" She shifted her head like a moving cat in slayable way. "YOU bumped him!" She emphasizes the word YOU tinuro pa ako para pamukain pa sa akin kung gaano akong ka-desperada.
"Saka hindi ka nga niya matandaan." Tumawa pa siya lalo kaya nag-umpisa na akong mainis.
"Alam mo kasi, ang mga lalaki kung interesado sa babae unang kita pa lang they are the one who make the first move. But in your case, he doesn't even give you a glance even how much you make papansinin and even how much attractive you are!" pagpapamuka pa niya.
"Sige nga, ilang beses mo na ba sinubukang magpapansin sa kanya? Even sa mga shops kung nasaan siya nandoon ka rin, and even sa mga parties kung nasaan din siya? Hindi ba nakipag-kamay ka pa nga to formally na magpakilala? Pero Natandaan ka ba? Hindi ba hindi?" pakutya niya pang sinabi. "Kung ako sa iyo tigilan mo na iyan, mahi-hurt ka lang." Tinapik pa niya ang balikat ko.
I just took a deep breath. What she said is all true. I'm his obsessed stalker at kung ba't ba naman sa dami na nga ng pagpapapansin na ginawa ko ay hindi pa rin niya ako mapansin-pansin!
Isang taon na ang nakalipas simula nang makilala ko siya... my cousin is a friend of him, he's also a police officer but in a different department.
I just met Kandrick Del Fuego once in a party before and he immediately took my heart. He was so freaking hot that time, but he has become hotter now than the last time.
May ilang buwan din hindi ko siya nasundan dahil naging abala ako sa bussiness trip dahil nagkaroon lang ng aberya negosyo ng aking pamilya na under ko.
Pero ngayon may oras na ulit ako para sa kanya para sundan siya kahit saan lugar pa siya magpunta... my lovely man... ang sarap niyang tingnan kahit sa malayo.
"Hindi ako naniniwalang hindi niya ako matandaan. Jarren, my cousin is a friend of him and he introduced me once to him so I'm so sure na tanda niya ako," giit ko pa at hindi intindi ang mga sinabi ni Vanessa.
Jarren pangalan ng pinsan ko, imposible talagang hindi niya ako matandaan... pero napapaisip din ako kung ba't nga ba tuwing nagkakasalubong kami, hindi niya man lang ako tinitingnan o kahit magkabangga pa kami, still I'm stranger to him.
Suminghal si Vanessa. "Kung tanda ka ba't hindi ka pinapansin o kahit bati man lang wala kang narinig na approach mula sa kanya?" tabang nitong tanong.
May point naman ang kaibigan ko pero paniniwalaan ko ang gusto kong paniwalaan at walang magagawa ang sinuman.
Pero ganoon kaya talaga siya ka-suplado? Sa tagal ko na ring pinapanuod siya sa malayo wala pa nga akong nababalitaang naging fling niya or kahit girlfriend kaya palagay ko, he doesn't want to play with girls... masiyado siyang seryosong tao. At iyon ang isa rin sa mga nagustuhan ko sa kanya.
Palagay ko hindi lang talaga siya interesado sa babae. Kaya tuloy minsan napapaisip din ako kung siya ba ay bading? Pero alam kong hindi! Hindi ako makakapayag na ang ganito ka-gwapo, bakla! There's no way! I won't let him be a gay!!
A serious type of man like him is kinda hard to tame, at iyon ang gustong-gusto ko iyung lalaking mahirap kunin... at the more lang din siya mag-suplado mas lalo akong natutuwa at nangigigil na mapasaakin siya.
I smiled grimly thinking of that while I looking outside the window and I'm not aware that Vanessa looked at me like I'm the most creepy person she ever knew.
"Gosh! Amelia! Stop smiling like that! You idiot creeping me out!" She looks frightened while she's watching me smiling at nagsumiksik siya sa dulo ng passenger seat.
Tiningnan ko siya at tumawa. "Crazy."
"Ikaw ang crazy! Patingin ka na! Bigla-bigla kang ngumingiti mag-isa ng ganiyan! Ngiting walang magandang gagawin!" bulalas niya.
Mas lalo lang akong natawa at lumingon ako sa backseat may kinuha akong isang paper bag doon na naglalaman ng isang bote.
Nangunot ang noo niya. "What's that?"
Inalis ko mula sa paper bag at itinaas para ipinakita. "Tada! Alak!" Nanlaki naman ang mga mata niya sa gulat sa ipinakita ko.
"What are you planning?!" she hysterically asked knowing that I'm her most craziest friend who has many surprises.
I chuckled wickedly. Inalis ko ang takip ng bote at patunggang ininom na lang bigla habang may ngiti sa mukha. Kapag ito ay hindi pa talaga niya ako pinansin, ewan ko na lang.
Si Vanessa ay halos lumuwa naman ang mata sa gulat sa ginawa ko. Sinubukan niya kunin ang bote mula sa akin pero inilayo ko at tinabig ang kamay niya.
"Ah! Hooo!" My reaction looks refreshed as if I drink a cold cola but no, it's a hard liquor with high volume so I immediately feel dizzy a bit.
"Nababaliw ka na Ayana Amelia!" sigaw niya sa akin at napaawang na lang ang bibig at wala na ngang nagawa kundi panuorin na lang ako.
"Relax! Hindi ko ito uubusin." Ibinalik ko ang takip sa bote at ibinalik din sa loob ng paper bag. "Now, happy?" Itinaas ko pa ang bote para ipinakitang hindi ko na iinuman.
"Ano ba sa tingin mo itong ginagawa mo ha? Ba't ka uminom? Para saan iyon?" alinsunod niyang tanong.
Bumungisngis ako at binuhay ang makina ng sasakyan. "You'll see, Vanessa. Wear your seatbelt tightly. We're going to have a thrilling and long, long... drive."
Kitang-kita ang pamumutla sa mukha niya, lalabas na sana siya ng sasakyan pero agad ko siyang pinigilan sa braso at ipinirmi sa upuan.
"No, ah. Tsk tsk." I wave my index finger to say that she's not allowed to get out of the car.
"Wear your seatbelt, malungkot kung wala akong kasama." Humalakhak ako at ako na nga ang nagsandal sa kanya at ako na rin ang nagkabit sa kanya seatbelt. Hinigpitan ko.
Kitang-kita ang kaba at takot sa kanya. "Kapag dito talaga natapos ang buhay ko ipinapangako kong 'di na tayo magkaibigan at hindi talaga kita patatahimikin!" Nangatog pa ito kaya mas lalo akong tumawa.
"Ang tunay na magkaibigan, magkasama sa kalungkutan at sa ligaya. Tandaan mo iyan," pilya kong sinabi ngunit mas nagmukang katakot-takot iyon para sa kanya at sa makakarinig.
"Nasabi ko na ba sa iyo na fan ako ng palabas na fast & furious?" I asked and chuckled then I hold the steering wheel, while I'm looking at her side eye.
"Oo!! Idol mo si Vin Diesel g*go ka—Ahhhh!" ang pagsigaw niya ay napalitan na ng tili nang pinaharurot ko ang sasakyan.
"Wooo!" Sayang-saya pa ako kaya hinampas ko pa ang manibela sa tuwa. "This is the last idea I have so bahala na!" desperada kong sinabi hanggang sa matulin na nilagpasan namin ang checkpoint.
Agad na may pumito at rinig na rinig ko ang pag-sigaw ng malalaki at mga malalagong na boses ng mga pulis.
"Hoy!!"
"Over speeding!!
"Habulin niyo!"
And the next thing I knew... hinahabol na nga kami ng mga pulis sakay ng kanila-kanilamg motorcycle.
Habang ako tuwang-tuwa pa at talagang napahalakhak sa tuwa habang si Vanessa ay halos mahimatay na sa akin, sa kabaliwang ginagawa ko.
I looked at the side mirror and I spotted him... he's leading the way at siya ang pinakang matulin sa kanila, go on, bilisan mo pa at habulin mo 'ko. I laughed hard, he is now after me!
I bit my lower lip excitedly, maybe this is one of the most exciting part of my life, ang habulin ng mga pulis.
Kaya ang ginawa ko, mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo at ginawa ko pang full speed ang aking sports car kaya itong kasama ko tinakasan na ata ng kaluluwa sa bilis ng patakbo ko at halos hindi na nakagalaw.
I chuckled and I looked again at the side mirror, kung anong bilis ko ay siya ring tulin ng mga lalaking pulis na humahabol sa akin.
Their motorcycles are upgraded, huh? Pang-karera. Nangunguna na riyan ang binatang target ko.
Kandrick Del Fuego, make it faster baby, come and get me... if you can. I chuckled.