When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Kumakabog pa din ang dibdib ni Alelie kahit lulan na siya ng kanilang sasakyan. Paano ba naman kasi at muntikan ng mag-krus ang landas nila ni Rain sa bar. Papaalis na ito nang saktong dumating ang binata sa bar kaya sa secret exit siya dumaan para hindi sila magkita. May maganda ding naidulot ang pagpapakulay niya ng buhok saka pagpapa- rebond. "Kanina ka pa hindi mapakali, is there something wrong?" untag ni Valerie kay Alelie. Gulat na napalingon si Alelie sa dalaga pero mabilis din itong nakabawi sa kabiglaan. "Wala naman! May naalala lang ako," pagkakaila nito. "Okay, sabi mo eh! Diretso na tayo sa kinaroroonan ng Inay at kapatid mo. May bibilhin ka bang pasalubong para sa kanila?" tanong na naman ni Valerie. "Wow, bakit biglang bait ka yata ngayon?" Bulalas ni Alelie. Napangisi