Hindi pa man nagtatagal ang mapayapang pagkaka ub-ob ko dito sa upuan ay biglang may narinig akong usapan. "Alam mo ba ang usap-usapan? Na yung babae daw na pinarusahan ni Princess G kanina ay kapatid niya sa labas? " Hindi ko maiwasan na mapakunot ng noo nang marinig ko ang mga salitang yun mula sa boses ng isang babae. "Talaga? Kaya pala ganon na lang siya makatingin doon noh. Pero infairness, halatang lahi talaga sila ng magaganda. " girl 2. Hindi ko na napigilan ang mga naririnig ko kaya naman dahan-dahan ko nang inangat ang ulo ko kung saan nakita ko agad yung dalawang babae na nag uusap sa may unahan at hindi pa nila ako napapansin dahil nakatalikod sila sa may pwesto ko. Napansin ko din yung ibang mga estudyante na nakita ako kaya parang natakot sila sa agad at base sa e