CHAPTER 04
Chaze's POV
"HOY! BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUNG SINABI MO? IKAW BA ANG MAY ARI NG SCHOOL NA TOH? "Biglang pahabol na sigaw ko doon sa L.A na yun matapos niyang may sabihin sa akin.
Nakakailang hakbang na kasi siya sa hagdan para umakyat.
"Pare, wag ka nang umangal please."pag pipigil ni Troy sa akin at hinihila niya pa ako para umalis na pero hindi ako nagpapahila.
Tumigil naman mula sa pag akyat si L.A at binatuhan niya ako ng tingin pabalik at isang nakakalokong ngisi ang ibinigay niya sa akin tsaka tuluyan na ulit siyang umalis.
"Hoooh. Akala ko hihimatayin na ako nung tumigil pa siya. "Mahinang wika ni Troy sa gilid ko dahilan kung bakit ko siya hinarap.
"Hindi ko gagawin yung sinabi niya. "Asar na sambit ko sa kaniya.
Paano ba naman, nung nalaman niyang transferee ako dito ay may inutos siya sa akin na kailangan ko daw gawin and guess what kung ano?
Pinapalibot niya lang naman ako sa buong school wearing a sando and my boxer.
Fuck!
Is that a joke?
"Pre, unang una-- apo siya ng may-ari ng school at ang magiging tagapagmana.
Pangalawa, maswerte ka nga at yun lang ang inutos niya sayo. "Sabi niya at nagsimula na siyang maglakad. Wala naman akong nagawa kundi ang sundan siya kahit na hindi ko naman alam kung saan nga ba talaga kami pupunta.
"Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.
"Buti nga at may suot ka pang boxer at sando ehh-- yung transferee last year na lalaki, talagang pinag hubad niya yun. AS IN! Walang tira.
Pinatakbo niya lang naman yun doon sa open ground. Mabait pa rin siya kasi pinagawa niya yun habang nasa klase ang mga estudyante dito-- pero hindi naman mapipigilan na may ibang nakakita. "Mahabang kwento niya.
"Eh ikaw? Anong pinagawa niya sayo? "Tanong ko pa.
"Wala. Matagal na kaming magkakilala at isa pa-- since junior highschool ay dito na ako pumapasok kaya hindi ko naabutan yun.
Last last year lang naman kasi nagkaroon ng ganon na pa welcome dito sa University. "Sagot niya pa.
Tumigil na siya sa paglalakad kaya naman tumigil na rin ako habang nakatingin pa rin sa kaniya.
"Kaya gawin mo na, baka mag bago pa ang isip niya at mas malala pa ang ipagawa sayo.
Tsaka maganda naman ang katawan mo kaya wala kang dapat ipag alala. Pumasok ka na!"sabi niya at nabigla ako nang tulakin niya ako papasok sa boy's comfort room-- hindi ko namalayan na dito pala kami tumigil.
Tsk.
Wala na akong ibang magawa kundi ang gawin nga ang sinabi niya.
NAKAKA INIS!
Parang pinagsisisihan ko na ang pag pasok sa school na toh kahit na hindi ko naman talaga kailangang gawin toh.
Teka-- may klase nga pala ako mamaya!
"Troy! "Tawag ko sa kaniya sa labas habang nandito pa rin ako sa loob at nagsisimula nang tanggalin ang mga butones ng polo ko.
"Ohh? "Sagot niya sa labas.
"Diba may klase tayo?
Ibig sabihin--"
"Oo, kung anong iniisip mo ngayon ay tama yun. Wala kang ibang magagawa kundi ang pumasok sa klase mo ng naka boxer at sando lang. "Sagot niya pa.
Fuck!
Biro lang ba talaga toh sa babaeng yun?! s**t! -_-
"f**k! Uuwi na lang ako. "Inis na wika ko.
Kahit maganda ang katawan ko at gwapo ako-- wala ding say say yun kung magiging katatawanan lang ako sa school na toh.
"What?! Wag ka nang umatras noh. Baka sa lunes ay bad mood si Princess G tapos mas malala pa ang ipagawa sayo. Hayaan mo na. Weekend naman bukas kaya makakalimutan rin naman ng mga estudyante ang gagawin mo ngayon. "Wika ni Troy na punong-puno ng positivity.
"Tsaka, normal na sa mga estudyante dito ang makakita ng ganyang mga bagay kasi alam naman nila ang rules ni Princesa G. Deadmahin mo na lang. "Pag tutuloy na wika pa niya.
Napa buntong hininga na lang ako at pinag patuloy na ulit ang paghuhubad.
This is really bullshit! -_-
~~~
Princess G's POV
Pag pasok ko sa room ay may dalawang babae at isang lalaki na agad ang nandoon -- mabilis silang napatingin sa direksyon ko nang pumasok ako.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagka bigla sa ekspresyon nila at awtomatikong pagtigil sa ginagawa nila nang makita ako-- siguro ay nagtataka na sila kung bakit nandito ako ngaun sa room.
Well ang totoo kasi niyan ay madalang talaga ako na pumasok sa klase ko. To be honest, tuwing exam lang ako pumapasok pero don't worry, matataas naman ang grades na nakukuha ko kasi kahit papaano ay nag aaral pa rin naman ako. Mas gusto ko nga lang yung self study o di kaya ay group study kasama ang mga barkada ko.
Tuluyan na akong pumasok dahilan kung bakit mabilis nilang iniwas ang paningin sa akin.
Pumunta ako dun sa may pinaka dulo kasi trip ko doon na maupo kaya lang dun naka upo yung lalaki.
Hihigitin ko na sana yung isang bangko pero mabilis siyang tumayo sa pinag kakaupuan niya.
"Di-- dito ka na po maupo Princess G. "Nauutal na wika niya sa akin habang nakayuko at mabilis niyang kinuha ang mga gamit niya doon tsaka nagmadaling umalis.
Tsk.
Kaya nagmumukha tuloy akong masama sa ginagawa nila ehh. As if naman na pinilit ko silang umalis diba?
Hayys.
Umupo na lang ako sa pinaka gitna.
Bawat row kasi ay may limang chair kaya sa middle ako umupo. Para kitang kita ko ang Teacher na mag di-discuss mamaya. Hindi naman sa interesado ako sa klase nila pero sinisigurado ko pa rin na maayos ang pagtuturo ng mga teacher dito kasi like what I've said-- Lola ko ang may ari ng school na toh at gusto ko lang na maging worth it ang pinapasweldo niya sa mga ito.
At dahil wala pa namang klase kaya inub-ob ko na lang muna yung ulo ko sa armchair.
Iniisip ko na kung saan magandang tumambay mamaya kapag uwian na. Ayaw ko naman sa bar kasi napapa inom lang ako at baka may tendency pa na mapa away ako.
Hindi nagtagal ay may narinig na akong mga hiyawan ng mga estudyante na pumapasok na sa kanilang mga classroom.
Sh*t!
Isa sa dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong pumapasok sa klase ay napa ka ingay.
Pero sige-- pag bigyan na lang natin dahil ayaw kong masira ang magandang araw ko na toh. Para kasi sa akin ay swerte ang araw na toh dahil kahit papaano ay na pahirapan ko yung isang anak ng lalaking yun-- bonus na lang yung pagpapahirap ko doon sa lalaking transferee.
.
.