Nabigla na lang ako nang hindi ko inaasahan na hahalikan ako ni Chaze. Smack lang yun na tumagal ng halos dalawang segundo. Mabilis ko siyang itinulak nang matauhan ako at ia-angat ko na sana ang kamao para suntukin siya ay bigla naman siyang nagtabon ng mukha. "Wait. Susuntukin mo ba ako? "He asked. "Hindi ba obvious?"matapang na tanong ko pabalik sa kaniya. "Bakit mo ko susuntukin? "Tanong niya. "Bakit mo ko hinalikan? "May pagka siga na tanong ko pa ulit. "Binalaan kita di ba? I said, kapag hindi ka tumigil ay hahalikan kita-- pero anong ginawa mo? Tinawanan mo pa rin ko."sagot niya sa akin at dahan-dahan niya nang tinatanggal ang dalawang kamay niya sa pagkakatakip ng mukha niya. Naiwan naman akong nakatulala dahil dun. Yun ang rason niya? He's so unbelievable! "Tang