TROY’s POV Nandito lang kami ng buong barkada sa labas ng pinto ng kwarto ni Princess G, pati na din ang barkada ni Princess G ay kasama ko din. Bibisitahin kasi namin sana siya para kamustahin siya kung okay na ba siya pati ang sugat na natamo niya kagabi pero hindi namin maiwasan na mapatigil dahil sa naririnig namin sa mula sa loob. “Aray naman. Masikip nga eh, nasasaktan na ako.”rinig namin na wika ni Princess G na para bang nasasaktan nga siya at naiinis. Hindi ko maiwasan na mapalaki ang mata ng dahil doon. Napansin ko din ang ginawang pag takip ng bibig nina Yanna , Kaye at ng kambal. Kung ano man ang nararamdaman ko ay sigurado ako na yun din ang nararamdaman nila. “Hindi-- wag ka lang malikot at magkakasya din yan at hindi ka pa masasaktan.”wika naman ni Chaze. Shockss