CHRISTINE’s POV (Tine) Nang makita ko na biglang tumumba si L.A ay agad ko na man siyang nilapitan. Mabilis kong hinawakan ang ulo niya at inangat para ipatong sa hita ko. “L.A--gumising ka!”wika ko at niyugyog ko siya ng paulit-ulit. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko sa nangyayari ngayon lalo na at kitang kita ko ang mga sugat na natamo niya sa pakikipaglaban. Kung sana lang ay kaya kong ipag tanggol ang sarili ko gaya ni L.A, hindi sana siya nag kaganito, hindi sana siya napahamak ng dahil sa akin. Naiiyak na ako. "L.A gumising ka, I'm sorry. I'm really sorry!"I said and I can't help it but to cry now. Nang hindi siya kumilos sa ginagawa kong pang gigising sa kaniya ay agad ko nang kinuha ang cellphone ko sa may bulsa ko at tinawagan si Marcus. Buti na lang na hingi