Kabanata 9 Louise Jadelyn's Point of View Kanina pa ako naka-upo dito sa cafeteria habang hinihintay si Rain. Isang oras na din ang nakaka-lipas simula nang iwan niya ako dito para kausapin ang school board. I don't know why he needs to talk with them but I am suprised to found out that he's the great grand son of the founder of this school. At ngayon siya na ang nag-ma-manage ng buong school. Kaya pala napapansin kong nire-respeto siya ng mga professors and teachers dito sa SCU. Siguro alam din nila ang maduming gawain ni Rain pero hindi lang nila pinakiki-elaman dahil ayaw nilang matanggal sa trabaho? Pero pwede rin namang hindi. Ay ewan! Mayaman pala talaga ang pamilya nitong si Rain pero nasaan ang mga magulang niya? At bakit ganito siya? Nagugulumihanan pa din ako sa pagka-ta