Chapter 1

1394 Words
Halos treinta minuto na ako sa salamin ay hindi pa ako tapos mag-ayos ng aking sarili. Lipstick lang naman ang inilagay ngunit GGSS talaga ako at hindi ako kuntento hangga't hindi ako aabot ng ganito katagal sa salamin. Kung nakakapagsalita nga lamang ito ay tiyak na magrereklamo na ito sa aking pagmumukha na panay ang tingin at pagngiti sa harap nito. Nagsuot ako ng dress dahil sa simbahan na naman ako pupunta at magtitirik ng kandila upang ipagdasal ang aking sarili na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaboyfriend sa edad na 30.NBSB aketch! Maganda, Sexy at Mayaman naman ako. Pero kagaya ng sabi sa akin ng aking mga kaibigan lalong lalo na si Althea Belle Mondragon na ngayon ay hindi ko alam kung saan lupalop ng mundo dinala ng kanyang ama ay natatakot raw sa akin ang mga lalake dahil sa pagiging amazona ko. Well... If they can't handle JELAINE GARCIA-ALFARO, then wala silang karapatan na tikman este magiging boyfriend ko. I stood up and pickup my purse and proceed to the parking lot with my stilettos on. Makikita ko na naman si Father Jude na tanging bet ko dati noong college days namin pero nagpari pa talaga. Saklap ng buhay ko, sana nagmadre na lamang ako para may forever kami ni Father. Inilugay ko lamang ang natural na curly hair at taas noo akong pumasok sa simbahan na nakashades pa. Dumaan na ako kanina sa isang maliit na tindahan at pinakyaw ko ang lahat ng tinda nilang kulay pulang kandila. As usual my favorite color. Sa dulong bahagi ako umupo. Nagsisindi kasi ako ng kandila pagkatapos lamang ng misa. At pagkatapos ng misa ay makikipagkwentuhan muna ako kay Father Jude para magiging kompleto na ang araw ko at makakabalik na'ko sa aking resto. Speaking of the Resto. Napilitan lang naman akong magnegosyo dahil kay mama na araw-araw yata akong sinisita dahil sa pagiging happy - go - lucky ko. Panay malling at bar hopping ako kaya naman para palagi akong nasa mall ay ang pagbukas ng resto ang naisipan ko. But I'm happy na rin kasi sikat ang resto ko at proud sa akin si Mommy dahil nagka-isip na raw ang kanyang panganay na anak. Ikinukumpara niya ako lagi sa mga kapatid ko na panay study at nakagraduate ng c*m laude. Ako kasi ay pasang - awa. Matalino naman pero laging lakwatsa ang inaatupag ko. Napakaaga ko pa pala dahil isang oras pa bago magsimula ang misa ay dumating na'ko. Pero marami na rin namang mga tao na nagdarasal sa oras na ito. Kagaya ko ay may ipinagdarasal din sila. Lumuhod ako at nagdasal na lang rin. " Papa Jesus... Alam kong hindi ito ang unang beses na hiningi ko sa inyo na ipakilala niyo na po sa'kin si Mr. Right ko. Kahit sino na po pero dapat gwapo, mabango, makinis, matalino... Kahit mahirap lang okay na po kasi milyonarya ako!" dasal ko ngunit biglang natuliling ang aking teynga nang may narinig akong tumawa sa aking likuran. Tiningnan ko ng masama ang taong tumawa dahil sa sinabi ko. Napalakas pala ang pagdasal ko. Nakacross arms ito habang nakasandal sa pader ng simbahan. Maraming bakanteng upuan ngunit pinili lamang nitong tumayo sa gilid na parang tanga lang! Sinita ko ang itsura niya. Long hair, tall, smooth skin, makisig ang katawan na parang action star ang dating. Nakablack leather jacket ito at nakablack shades. "Papa God, Kahit sino po pero huwag ang mukhang kriminal na 'to sa gilid at parang ermitanyong tigang.." Tinitigan ko ulit ito ng masama at mas nag-init ang aking magkabilang tenga nang nakangisi pa rin ito sa akin. Tumayo ako at kumuha ako ng limang pirasong kandila at naglakad patungo sa lalaking impakto na parang iniinsulto ako. Paakkk! Isang malutong na sampal ang ibinigay ko rito na ikinapula ng mukha nito. Tinanggal nito ang itim na shades na lumantad sa akin ang berde nitong mga mata. "What is wrong with you lady? Bakit mo'ko sinampal?" "Sorry ha? Naniniguro lang ako kung tao ka ba o naliligaw na ispiritu!" turan ko rito. Nakita ko ang pagkunot ng mga mata nito sa akin. "Saang planeta or shall I say kweba ka ba galing ha? Pwede ba umuwi ka nang ermitanyo ka!" "What is wrong with you? Kapag ako nawalan ng pasensya sa'yo may kalalagyan ka!" "Ay, wow! Sinong tinakot mo Mister ha? Halika ka nga rito at dudukutin ko 'yang contact lenses mong green!" nilapitan ko ito at akmang dudukitin ang kanyang mga contact lenses ngunit hinawakan nito ang aking dalawang kamay at inilapit ang aking katawan sa kanyang katawan. Napapikit ako nang makitang inilalapit niya ang kanyang mukha sa akin. Naramdaman ko ang pagbaba ng kanyang mukha sa aking leeg at inamoy ako na parang isang pagkain. "Hmmmm Cinnamon rolls... I want to eat you now!" Nagpumiglas ako at nang makawala ay sinampal ko ang magkabilang pisngi niya at itinuhod ko ang gitna niya nang ubod ng lakas. Napaluhod ito sa sakit at nakita kong namula ang magkabilang pisngi nito at nakatiklop ang bibig na wari'y pinipigilan ang sarili na hindi sumigaw. Inilagay ko ang limang piraso ng kandila sa loob ng kanyang damit habang siya ay nakaluhod pa rin at hawak-hawak ang gitna niya. "Ow.. Mister Cinnamon... Ayan ang kandila mo. Advance na 'yan para sa burol mo!" " F*ck you b*tch... M-may paglalagyan ka talagang babae ka!" "Whatever! .. Ba-bye!" iniwan ko na ito at naglakad ako patungo sa harap ng bakanteng upuan sa simbahan at hindi nga nagtagal ay nag-umpisa na ang misa. Akala siguro ng lalaking 'yon ay maiisahan niya ako. May paglalagyan raw? Huh? Ako pa talaga ha? Kakalbuhin talaga kitang ermitanyo ka! Lumingon ako sa likuran at hinanap siya ng aking mga mata ngunit wala na siya. Humalaklak ako ng malakas.. Oooops nasa simbahan pala ako at nasa kalangitnaan na pala ng sermon ng pari.Naramdaman kong maraming nakatitig na mga mata sa akin. Napahiya tuloy ako. Nang matapos na ang misa ay lumabas na'ko sa simbahan at nagtirik ng kandila sa nakahilerang candle stand. Sa dinami-dami na naman ba ng kandilang itinirik ko ay hindi pa talaga ako pagbibigyan ni Papa G. Naisipan kong umuwi na lang muna dahil nagtext ang aking manager na hinahanap raw ako ni Althea Belle sa Resto. Gosh, two years niya akong tiniis ah! Nagmadali ako sa paglakad papunta sa parking lot nang may humablot sa aking beywang at isinandal ako sa hood ng aking kotse. Nagpumiglas ako ngunit napakalakas ng lalaking nakaaway ko kanina sa loob ng simbahan. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at isinandal sa hood ng kotse ko habang ang pang-ibabang katawan niya ay nakadagan rin sa aking pang-ibabang katawan. Para akong isang maliit na kuting na dinakma ng isang malakas at malaking tigre. "" Hayop ka. Anong gagawin mo sa akin! " Inamoy niya ako simula sa aking buhok pababa sa aking mukha, pababa sa aking leeg at tumigil ang pagsinghot niya sa aking oversized na dibdib. " You really smell like cinnamon rolls baby! " " Gutom ka ba? Nalipasan ka ba ng gutom? Palayain mo'ko at bibigyan kita ng pera pambili ng tinapay hindi 'yung ako ang pinagtitripan mo. Adik ka?" Idiniin nito ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito sa aking p********e na tanging manipis na dress lamang ang nakatakip. Putcha ano' yon? Coke in can? Ang taba. At parang kalahati ng braso ko ang haba ng alaga ng buysit na 'to. " Do you like it? Do you feel it? What can you say? I' m sure it will bring you to heaven and you might not want to be back on earth anymore!" Bumaba ang mga labi nito sa aking nakangangang bibig at tuluyan nang sumakop ang aking mga labi. Tumigil ito dahil kinagat ko ang kanyang labi at nakita ko ang masasaganang dugo sa gilid. Nagkaroon ako ng tiyempo na pumasok sa aking sasakyan at binuhay ang makina ng aking kotse. "Hoy, Mister. Huwag mong ipagmalaki sa 'kin' yang ala Coke in Can sa katabaan ng alaga mo ha! Over my dead delicious beautiful body ay never mo akong matitikman. Iyon lang po, ba-bye!" ipinaharurot ko ang aking sasakyan at natawa ako sa itsura ng lalaki kanina.. Puno ng dugo ang labi nito dahil sa pagkagat ko. Akala siguro ay madadala niya ako sa pagiging oversized niya. Ewwww, ayoko sa lalaking mahaba ang buhok at nagsusuot ng contact lens. Period!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD