Chapter 2-Leon or Tiger?

1182 Words
"Bess,ba't nakasimangot ka riyan ha? Malas yan sa negosyo!" narinig ko ang boses ng aking bff mula sa aking likuran. "Belle!!!! I miss you so much bessy. Hay naku . Kapag nakita ko ulit ang ermitanyong 'yon. Sisiguraduhin kong dudukutin ko ang contact lenses niya at kakalbuhin ko siya!" inis kong saad. "Huh? Ermitanyo?" "Oo bess ermitanyo dahil mahaba ang buhok hanggang balikat at balbas sarado ang malignong' yon!" "Oh ba't ka nainis sa kanya?" "Eeeeeewww halikan ba naman ako sa labi bess? First kiss ko yon eh! Ninakaw pa ng barumbadong 'yon!Makikita niya bess kulang pa ang ginawa ko sa kanya kanina.. Sisiguraduhin kong mapipilayan siya!" "Hmmmm magaling bang humalik? Anong ginawa mo sa kanya?" "Pwe..Kahit masarap ang labi niya eh hindi ko magugustuhan ang ermintanyong kagaya niya. Bess tinuhod ko at sapul ang alaga niya! " Naku Jelai paano ka magkakaboyfriend niyan eh lahat ng mga lalaking lumalapit sa'yo kulang na lang patayin mo eh " sambit nito sa akin. " Ako pa tuloy ang binalingan mo bess ako na nga ang ninakawan ng halik. Teka bess... Mukhang mas blooming ka ngayon. Diniligan ka ba?" pansin kong parang mas gumanda ang aking kaibigan "Hoy hindi tumigil ka riyan. Wala akong boyfriend..." "Ay may kalabaw..!" saad ko habang nakatingin sa gwapong lalaking papasok sa loob ng resto.Si Kenjie iyon at humingi kay Belle na kausapin raw ito. "Belle, can we talk? Sa ibang lugar sana, huwag dito may aswang eh!" narinig kong saad ni Kenjie ngunit ayaw ko itong patulan. Napakalayo ng itsura ko sa isang aswang. Fairy ako, fairy! "Bess, samahan ko muna si Kenjie ah!" pamamaalam ni Belle. Tumango ngunit nakasimangot lamang ako habang tinitingnan silang dalawa na palabas ng Resto. Wala akong magawa dahil hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa lalaking nakita ko kanina sa simbahan. Tumayo ako at nagpasyang lumibot na muna sa mall. Gusto kong iwaglit sa aking isipan ang lalaking 'yon na hinalikan ba naman talaga ako. The nerve! Alam ba niyang hindi pa ako nakipaghalikan sa kaninong lalake dahil gusto ko ay ang lalaking mapapangasawa ko ang unang halik ko. Kinuha ko ang aking cellphone at nagselfie. I posted my selfie pic with the caption "Worst day ever!" Talagang - talaga naman eh! May skill talaga ako sa pagkuha ng mga pictures. Lahat ng pinipicturan ko ay maganda ang kinalabasan. Ako ang pinakamagaling sa subject na photography noon at noong gumradweyt kami ay nag-seminar ako sa photography ng anim na buwan at ako ang nakakuha ng recognition award dahil sa aking kahusayan. "Je-Jelaine is it you?" lumingon ako nang marinig ko ang aking pangalan mula sa isang super gwapong nilalang na nakangiti sa akin. He is wearing a tight white shirt na nakabukas ang butones sa may dibdib at nasisilip ko ang mga buhok mula sa maputing balat nito. " Leon Ylmaz?" tanong ko sa kanya dahil hindi ako sigurado kung siya na nga ba talaga ang kaklase ko noong grade five. He transfered to Turkey when his parents separated. Leon is a half filipino and half turkish. Nakakaloka ang kagwapuhan nito. Makakakya mo talagang hindi kumain sa buong araw kapag nakatitig ka lamang sa mukha niya. Mukha at katawan pa lang ulam na. "I thought you already forgot me Jelaine. So how are you doin?" " Okay na ako ngayon este.. Okay lang naman. Hoy anong kinain mo? Ang tangkad-tangkad mo at ang laki ng ano mo.. I mean ng katawan mo.". "Well, kailangang maging gwapo. Nagmomodelo kasi ako. I just signed a contract in a new modeling agency here in the Philippines!" "Wow naman kaya pala. Buti ka pa, may trabaho.. Ako kasi wala pa eh..!" pagsisinungaling ko rito. " Talaga? Hindi halatang wala kang trabaho! Ang ganda mo pa rin!" Humalakhak ako ng malakas. "Masanay ka na, ganda lang! Ganda lang ang meron ako huy!" "Maybe, you would like to apply in our agency? They need 2 more photographers!" "Really? S-sge mag-aaply ako." "Yeah I will refer you.Gusto mo sabay tayo bukas papunta sa agency ?" "You mean susunduin mo'ko?" "Oo naman Jelaine. Kaya mabuti iuwi na muna kita sa bahay niyo para bukas alam ko na kung saan kita susunduin. Is it okay with you?" "Okay pa sa alright Leon. Kahit iuwi mo pa'ko sa bahay mo!" Tumawa naman ito sa kanya at pinisil ang pisngi niya. "You are a funny girl Jelaine.Ang cute mo!" saad nito sa kanya. "Cute ba ako? Edi sa'yo na'ko!" biro niya rito. Namula ang pisngi nito sa sinabi niya. Ang gwapo talaga ni Leon. Mas gwapo pa 'ata ito sa mga Turkish actor na napapanood ko sa youtube. Parang hanggang kili-kili lamang ang taas ko. Grabi naman parang kapre. Ewan ko ba kung bakit magaan talaga ang loob ko sa kanya. Noong grade 5 kami ay naging close na kami ni Leon. Lagi kaming magkasamang kumain sa recess at lunch time. Pero noong umalis na ito ay labis na akong nalungkot dahil namimiss ko siya. Siya lamang kasi ang kakampi ko noong elementary days namin. "Sa greenhills tayo phase two." sambit ko sa kanya noong papasok na kami sa aming mansion. Tinititigan ko siya habang nagmamaneho, hindi ko maiwasang kiligin. Baka siya na ang aking forever. At baka bumalik ito sa Pilipinas upang ipagpatuloy namin ang aming love story since elementary. "Jelaine are you okay?" tanong nito. Umupo ako nang maayos dahil nakanganga na pala ang aking bibig habang pinagmamasdan ang kanyang muscle na lumilitaw habang nakahawak sa manibela. Naiwan ko tuloy ang aking kotse sa Mall dahil sa pagiging desperada ko na makasama pa si Leon. At bukas ay bahala basta't magtatrabaho ako sa agency bilang photographer. Kung araw-araw kong makakasama si Leon ay hindi ko na palalagpasin pa ang ang panahong ito. Baka magkaka-love life na nga ako. "O-okay lang ako. Itigil mo na." "Soooo? Fetch you tomorrow at 8am?Kailangan maaga tayo!" "Oo, salamat sa paghatid ah!" inilapit niya ang kanyang labi sa pisngi nito at dinampian ng halik. "Wala 'yun. Ano ka ba. What' s friends are for right? Alam mo naman na parang magkapatid na tayo dati pa!" nakangiting wika nito. Natulala lamang ako sa sinabi niya. Ay bahala, gagawin ko ang lahat upang mapasa'kin lamang siya. Siya ang aking destiny. Siya lamang ang bumubuhay sa katawang lupa ko. Leon Ylmaz. Magiging akin ka rin Fil-Turkish ka. Not now but soon. Hanggang sa aking paghiga sa kama ay mukha pa rin niya ang aking nakikita. Omeged! Siya na nga talaga, He is my only one true love. Kung may Russian si Althea Belle.May half-Turkish ako. Hinawakan ko ang aking mga labi. "Sh*t! " napamura ako dahil naalala ko na naman ang paghalik sa akin ng estrangherong 'yon. Ang malignong ermitanyo na nagnakaw ng halik sa akin. "Leon.. Leon.. Leon!!!" pilit kong isinisigaw ang pangalan niya sa aking isipan dahil noong naalala ko ang halik ng lalaking' yon kanina ay ang mga labi niya ang naiisip ko habang nakalapag sa akkng mga labi "Lumayas ka sa isip ko ermitanyong daks!" Hindi ko na namalayan na hanggang sa aking pagtulog pala ay nakahawak pa rin ako sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD