Chapter 8

1289 Words
Kinagabihan ay sinundo ako ni Leon sa aking condo. Naka tight ripped jeans lamang ako at white tube at black blazer. "Let's drink tonight Jelai!" saad nito sa akin habang papasok kami sa bar. "Oo ba! Teka.. Teka.. May plano ka ba sa'kin Leon? Pagkatapos natin uminom... Malalasing tayo... tapos? Iuuwi mo ako sa condo? At pagkatapos ano na? Hahalikan mo'ko. At may mangyayari sa atin ganun?" mabilis kong saad rito. Humalakhak ito sa sinabi ko. " Jelai hindi naman lahat ng lalake ay ganoon! Bilang isang kaibigan.. I just want to bond with you! " " Hanggang bond lang ha? Later na tayong mainlove sa isa' t isa! " " You're so funny Jelai! " hinawakan nito ang aking bewang at umupo kami sa bakanteng mesa sa bar. Its still eight in the evening. Konti pa lamang naman ang mga taong naroon. Ang iba ay dumadating pa lamang. " Let's eat? Tell me what do you want? " " Ikaw! ... Ikaw na ang bahala!" nakangiti kong saad rito. "Leon? Nandito ka rin pala? Ay, may ka-date ka ha!" narinig kong wika ng isang pamilyar na babae mula sa aming harapan. It is Trinity and Tiger. Napakasexy ng babae dahil halos lalabas na ang kaluluwa nito sa suot na crop top na may hiwa sa gitna ng dibdib at napakaikling skirt na labas na ang hita at masisilipan na ang pang-loob nito. "Trinity! Ikaw pala. Hi Boss Tie..Join na kayo sa amin!" pag-anyaya ni Leon. Mabilis pa sa kidlat na umupo si Tiger sa tabi ko at nasa tabi rin nito si Trinity. Si Leon na ang umorder ng aming pagkain at nagpadala rin ito ng wine na iinumin namin after kumain. Parang linta kung kumapit si Trinity kay Tiger. Naiinis ako ngunit nanatili pa rin akong kalmado. Alam kong hindi tama ang aking nararamdaman dahil in the very first place ay wala kaming relasyon. " Jelai sa totoo lang ay gusto kong maglasing dahil 'yung nililigawan ko ngayon ay may asawa na pala dahil may nangyari sa kanila. Tell me Jelai, kama lang ba talaga ang batayan sa pagmamahal? " bulong nito sa akin. "Leon listen... Hindi naman kama ang batayan dahil kung mahal na mahal niyo ang isa' t isa ay kahit sa damuhan lang okay na!" sagot ko rito. Natawa ito sa sinabi ko. "Puro ka talaga kalokohan Jelaine oh!" saad nito sa akin. Nang tiningnan ko si Tiger ay nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa aming dalawa ni Leon na nagtatawanan. Naramdaman ko ang kanyang kamay na hinawakan ang aking binti. At parang nakukuryente ako habang hinihimas niya ang aking binti papunta sa aking hita. Iwinaksi ko ang kanyang kamay at mabilis naman niyang tinanggal ang kanyang kamay. I stared at him and he is smiling devilishly on me. Napakamanyak talaga. Nang dumating na ang pagkain ay nagsalo-salo na kaming apat. Si tiger ay napakatahimik lamang ay ang kasama nito ay panay subo rito ng kung anu-ano. "Well Leon...kayo na ba ni Miss Jelaine? You look good with each other!" saad ni Trinity sa amin dalawa ni Leon.. "Ahhh hindi pa! Nililigawan ko pa lang si Leon. Ang tagal nga niya akong sagutin eh. Di ba babe?" ako na ang sumingit dahil matagal si Leon sa pagsagot. Natawa naman si Trinity sa sinabi ko. Si Tiger naman ay napaubo. Habang si Leon ay namula ang magkabilang pisngi. " Swerte mo Leon ah kasi napakaganda ng manliligaw mo! "sambit pa ulit ni Trinity. Pagkatapos kumain ay dinala na ng waiter ang wine sa aming mesa. Mukhang balak talagang magpakalasing ng kumag dahil dalawang bite ng alak ang agad na inorder nito. " Leon babe.. Magpapakalasing ka ba? Baka matutulog ka lang agad mamaya ha!" Kinindatan ko ito at pinisil ang kanyang balikat. "I can manage Jelai. Kung lasing na ako edi ikaw na ang magmaneho!" saad nito. "Magmaneho sa'yo o sa Navarra mo?" diretsong saad ko. " Sa Navarra ko. Ikaw talaga... Baka kung ako ang imamaneho mo eh ibang biyahe na'yun!" kinindatan rin niya ako. Sinakyan rin ng gago ang trip ko. "Biyaheng langit 'yun ayaw mo?" saad ko. "Biyaheng impyerno baka gusto mo?" biglang sumingit sa usapan namin ang impaktong boss namin. Panira ng moment. " Ahhh Trinity ibang klase pala si Boss Tiger noh? Biyaheng impyerno pala ang trip!tukso ko kay Trinity ngunit ang aking mata ay nakatutok kay Tiger. "Biyaheng impyerno talaga dahil sisingilin ko ang taong sumira sa ducati ko kanina." matigas nitong saad na nakatingin sa akin. Ewan ko ngunit bigla 'ata akong nilamig sa sinabi niya. Ibang klaseng tingin ang ipinukaw niya sa akin. Tila ba alam niyang ako ang gumawa ng bagay na' yon sa ducati niya at sa kotse ni Trinity. " Ahhh excuse me ah! CR lang ako!" tumayo ako at pnagmamadaling pumasok sa restroom ng bar. Nakita ko ang aking replekyon sa salamin. Maganda pa pala ako kaysa sa babaeng kasama ni Tiger. Nang matapos na ang aking pag-ayos sa aking sarili ay bumalik na'ko sa aming pwesto. Leon is a little bit typsy already. Kausap nito si Tiger na seryosong-seryoso ang pagmumukha habang si Trinity ay nakahilig sa matipunong braso nito. "Jelai, your shot!" inabot nito ang hawak na alak sa kamay. Napangiwi ako dahil sa matapang na lasa nito. Mukhang ako pa 'ata ang unang malalasing sa kanilang dalawa. Habang lumalalim ang gabi ay mas nakakabingi na ang tunog ng musika at hiyawan ng mga customers sa bar. Si Trinity ay lasing na rin at si Leon ay ganun rin. "Leon, tama na yan... Umuwi na tayo!" "No Jelai I still want to drink.. Can I stay in your condo na after here? Hindi ko na kayang umuwi siguro!"sambit sa akin ni Leon. " O-oo Leon.. Dalawa naman ang kwarto ko pero kung gusto mong sabay tayong matulog okay lang rin! "saad ko. Dalawang baso lang ang ininum ko dahil ayaw kong malasing. Nakakadala ang hang-over kinabukasan. " You're a naughty girl Jelaine. Baka halikan kita diyan magsisisi ka! " pautal-utal na saad nito sa akin. Nataw ako sa sinabi niya." Ay sus, ikaw pa riyan ang hahalikan ko eh!" biro ko sa kanya. "Wow Jelaine ah kung makipaglandian ka sa iba ay parang wala ako rito!" mahinang bulong ni Tiger sa aking teynga. "Wow ka rin noh? Eh ikaw ano ba 'yang ginagawa mo ngayon? Kagabi mo lang winasak ang Hello Kitty ko tapos ngayon, mang-aararo ka na ng iba. Ikaw ang wow!" bulong ko rin sa kanya. Nakita ko si Trinity na palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Tiger habang nagbubulungan kaming dalawa. " Nagseselos ka? Eh, kababata at kaibigan ko lang 'yan? "bulong ulit nito sa akin. " Ahhhh kababata? Kung makatawag ha, darlin'? At saka narinig ko kanina Miss na niya raw 'yung sayo! Impakto ka talaga. At bakit ako magseselos aber? Mas maganda ako sa kanya noh? At sino ka ba ha para pagselosan ko aber" bulong ko sa kanya. "Miss na raw niya ang luto ko!' yun ang sinabi niya kanina. Bingi ka talagang amazona ka!" saad nito. "Whatever Tiger Geller. Isa ka pa ring impaktong maligno sa paningin ko!" patuloy pa rin kami sa pagbulong sa isa' t isa. Pati si Leon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sa amin. "May kasalanan ka naman sa akin Jelaine.Ba't mo ginawang silver ang ducati ko?" "Buti nga sa'yo. Kulang pa nga 'yon..!" "Sige ikaw naman ang ikikiskis ko mamaya.!" "Bastos mo!" inirapan ko lamang ito. Ngunit naexcite ako sa sinabi niyang ako ang ikikiskis niya. Na-imagi'ne ko tuloy kung gaano kalaki ang ikikiskis niya eh! "Kinikilig ka' ata?" sambit nito. "Sa'yo? Over my dead delicious sexy body, kinikilig akong sampalin ka!" umirap akong muli at tinungga ang baso ng alak na nasa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD