Chapter 7

1330 Words
Kinabukasan ay mabigat pa rin ang aking katawan ngunit pilit akong bumangon upang pumasok sa trabaho. Hatinggabi na ako nakauwi dahil may hindi inaaasahang pangyayari ang naganap na may kinalaman sa bunsong kapatid ni Tiger na si Tamara Mia at may kinalaman si Kenjie rito. Nang makarating sa agency ay napasabak na ako kaagad sa trabaho at si Leon ang aking model. Napakagat labi ako nang isa-isa kong kinunan ito ng letrato. He is really a perfect model. Hindi ko maiwasang malungkot habang iniisip ang nangyari kagabi. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na ang dapat mangyari kaya wala nang panahon pa upang magluksa ako sa aking iniingatang puri na tinangay ng isang bastardong hoodlum. "Okay, next shot na Miss Jelaine. Kunan mo si Leon na nakaunderwear lang!" napalunok ako sa sinabi ng photoshoot director na si Wally. Nakita kong pumasok ulit si Leon sa maliit na kwarto. At nang lumabas ito ay mas dumoble ang laki ng mg mata ko dahil naka-underwear lamang ito at hindi talaga makakaila na may alaga rin itong sobrang daks. Hindi ko na tuloy alam kung saan ko itututok ang camera ko dahil bigla akong pinagpawisan ng malapot. Kahit sino ba naman ay hindi mapakali kapag ganito kagwapong nilalang ang halos nakahubad sa iyong harapan. Ngunit nang itaas ko ang aking camera ay biglang dumilim ang lense sa aking harapan. Akala ko ay nasira na ang camera ngunit humarang pala ang aking malignong boss sa harapan at hindi ko na naituloy ang pagkuha ng litrato kay Leon. "Boss, excuse me po ha? Pwede po ba sa gilid lang po kayo? Nakaharang po kasi kayo eh, hindi ko tuloy makuha si Leon ng magandang anggulo!" nakangiti kong saad sa kanya. I'm trying to be nice at him kahit naiinis na ako sa ginawa nito. Syempre I am aware na nakapalibot sa amin ang kanyang staff. " Look, Di ba Axle I told you this morning that Miss Jelaine is incharge sa mga girls? Ba't nandito siya sa mga panlalaki?" nakita kong nakakunot ang noo ng malignong pilit kong binubura ang sa aking isip. Naisip ko tuloy ang nangyari sa amin kagabi. Kung gaano rin kaganda ang katawan nito na kung paano nito ako pakilitiin. " Hey.. Please go to my office right now! "saad nito sa akin. Agad ko naman itong sinundan sa opisina nito. Naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair. Bigla akong naconscious sa aking itsura dahil ang tingin nito sa akin ngayon ay parang hinuhubaran na ako. Naka mini-skirt lamang ako at tinernuhan ko ng tube at blazer. "You heard me right? Simula ngayon doon ka na sa mga babaeng models." matigas nitong saad sa akin. "Sige walang problema sinabi mo eh!" sagot ko. "Then good dahil hindi na masyadong matigas ang ulo mo Jelaine.Isang malaking t*t' lang pala ang katapat diyan sa bunganga mo!" "Pwede ba Mister Malignong ermitanyo! Huwag mo nang ipaalala sa akin ang nangyari kagabi? Pinagsisihan ko 'yon dahil sa katangahan ko lang kaya nangyari ang bagay na' yon noh! Huwag ka ngang feeler diyan!" irap ko sa kanya. " Wow, parang ikaw pa ang lalake sa ating dalawa noh! Seriously Jelaine.. Wala ka ba talagang nararamdaman sa akin? Sa mga halik at haplos ko sa'yo, wala ka bang naramdaman? "Tumayo ito at lumapit sa akin at dinantay niya ang kanyang daliri sa aking braso at nilandas ito paakyat sa aking teynga. " Meron.. " Nakita kong lumiwanag ang kanyang mukha. " Naiinis at gusto kitang sakalin sa oras nito Tiger Geller! "saad ko rito. Ngunit bigla niya akong siniil ng halik sa labi habang ang kanyang braso ay nakapulupot sa aking bewang. " Hindi mo ba ko namimiss ha? I keep on imaging your naked body Jelaine.. I want to take you again and again and you can't stop me. Akin ka lang tandaan mo 'yan!" sambit nito at inamoy-amoy ang aking buhok. "Remember also Mr. Geller na hindi mo' ko pag-aari!" saad ko rito. "F*ck you Jelaine. Ang hirap mong paamuhin! Ano ba ang dapat kong gawin para mag-umpisa tayo kahit bilang magkaibigan lang?" "Well, simple! Handle me well! If you can't handle me at my worst then you can't have me at my best! Got it?" nakameywang kong saad sa kanya. Kapwa kaming lumingon nang may kumatok sa pinto. "Boss Tie. May naghahanap po sa inyo!" saad ni Cindy ang sekretarya ni Tiger. "S- sino?" "Well, ako lang naman darlin'!" Tiningnan ko lang naman ang babaeng napaka-sopistikada ang pumasok sa loob ng opisina at biglang kinabig at hinalikan si Tiger sa aking harapan. Naestatwa ako sa aking nasilayan ngunit tinatagan ko ang aking sarili kahit nakaramdaman ako nang konting kirot sa aking puso. But I am Jelaine Garcia-Alfaro, ang babaeng hindi hahayaang saktan ang sarili para lamang sa isang lalake. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkabigla ni Tiger at nakita ko ang babaeng biglang hinaplos ang pagka*****e nito. "Trinity ?"ang tanging narinig kong sambit ni Tiger. "Darlin' I've waited for you in Britain ngunit ang sabi ni Tobby ay may trabaho ka raw rito sa Pilipinas kaya ako na lang ang sumunod sa'yo. I miss you so much darlin'" maarte nitong saad. Tumingin sa akin si Tiger at napakunot naman ang noo ng babae nang tingnan ako. Hinugutan niya ako ng tingin mula sa aking paa pataas sa aking mukha. Ngumiti ako rito. I remained cool. " Darlin' gutom na ako. Let's go na please!" saad nito at tuluyan nang napayakap kay Tie. Ang maligno naman ay parang naputulan ng dila dahil ni hindi nakuhang magsalita at nanatili na lamang nakamasid sa akin. "Excuse me po Boss. Wala na naman siguro kayong kailangan sa akin right!" paalam ko sa kanila at dahan - dahan na akong umalis palayo. "Darlin' its been six months.. Hindi mo ba ako namiss? Miss na miss na talaga kita Tiger and yours too!" narinig ko pang sambit ng babae. Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay ko sa aking sarili at tumuloy ako sa parking lot ng agency. "Manong, 'asan po riyan ang kotse ng babaeng pumasok kanina' yung nakapula at blonde ang buhok?" "Ahhh 'yung black po!" "Ah sige, salamat Manong!" Lumapit ako sa sasakyan at inilabas ang aking swiss knife. Ikiniskis ko iyun sa kanyang sasakyan at natawa ako nang maging silver ang dating kulay itim na kulay nito. "Oh..tingnan natin ngayon darlin' ah!" saad ko habang ipinagpatuloy ang aking pagkiskis sa katawan ng kotse. Nang matapos ko ang pagkiskis sa kotse ng babaeng 'yon ay ang itim na ducati naman ni Tiger ang binalingan ko. "Oh ayan.. Kailangan mo rin ng bonggang makeover! Kasalanan' to ng amo mong walang hiya!" sambit ko at nagsimulang ikiskis ang katawan ng kanyang ducati. "Oh my goddd! Darlin' sino ang gumawa nito?" Look at my brand new car? "malakas na hiyaw ng babae ang aking narinig mula sa di-kalayuan. Madali akong nagtungo at kumubli sa isang sulok upang hindi nila ako makita. Tawang - tawa ako sa itsura ng babae. Hindi nagtagal ay nakita kong palapit si Tiger sa Ducati nito at malulutong na mura ang aking narinig nang makita ang mga gasgas sa ducati niya. "F*ck! F*ck F*ck. Someone's gonna pay for this." mura nito sabay sipa sa gulong ng kanyang ducati. I just laughed silently. Umpisa palang talaga ito sq pang-iinis ko sa kanya. How could he just flirt with someone else eh hindi pa nga nagmove on ang wasak kong Hello Kitty kagabi? Lintik lang talaga ang walang ganti Tiger! Nakita kong pumasok na ang dalawa sa loob ng kotse ni Trinity at nang makatiyempo ay mabilis na akong humakbang patungo ulit sa loob ng building. "Hey Jelai..."tawag sa akin ni Leon."Bar tayo mamaya?" "Ahh sure Leon basta ikaw. What time? Sa condo na muna ako uuwi mamaya."Sambit ko rito. " I'll fetch you around 8pm..Kotse ko nalang ang gamitin natin. "saad nito. Tumango ako sa kanya at nagthumbs-up. Sobrang gwapo talaga ni Leon. Kung magiging boyfriend ko siguro ang taong 'yon ay ikakadena ko talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD