"She died, to be exact."
Ang balak niya na magbunganga ay hindi na niya naituloy pa sapagkat hindi niya inaasahan ang sinabi nitong iyon. Natahimik siya at napainom ng alak. Gumuhit iyon sa kanyang lalamunan at hindi niya pinansin ang lasa niyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin pagkatapos marinig ang tinuran ng binata. She was still contemplating when Uno started talking.
"Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. It was early in the morning, we were on our to Zambales. We wanted to go camping before her bone marrow transplant. Everything went smoothly at that time. Everything was okay. Nagkukwentuhan kami at ang dami pa naming ginawang plano. Ang sabi pa nga niya, gusto niyang pumunta ng Naples sa birthday ko dahil sigurado siya na naka-recover na siya. She wanted to see the collections of artefacts of the Roman Empire. And I just agreed sa lahat ng sinabi niya," pagkukwento ni Uno at tahimik lang siyang nakinig. He was looking at the moon but she was looking at him intently.
"And then, while I was driving, she told me that she's sleepy. Hinayaan ko siyang matulog pero hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba. I felt something was wrong but I brushed it off. Eventually, hindi na ako mapakali so, I decided to pull over and wake her up. Nag-panicked ako nang hindi siya gumalaw at nagising kaya kaagad ko siyang isinugod sa ospital." Hindi pa rin siya umiimik at bumaling sa gawi niya ang binata pagkatapos niyon. "Sa St. Catherine," dugtong nito sabay ngiti ng matipid. "That night you first saw me? That was her death anniversary. And you know what? I don't celebrate my birthday anymore."
Hindi niya napigilan na maging malungkot sa huling bahagi ng kwento nito. He said it as if it doesn't matter. But it does, to her. Noon lang din niya naintindihan kung bakit alam ni Julien kung saan ospital ang tinutukoy niya nang ihatid niya si Uno sa bahay ng mga ito. Nakagawian na marahil ng binata ang pagpunta roon kaya naman alam na iyon ng nakatatanda nitong kapatid.
Humugot ito ng malalim na hininga at muling tumingala. Para bang sa pamamagitan ng pagtingin nito sa bilog na bilog na buwan ay nakakakuha ito ng lakas upang ipagpatuloy ang pagkukwento sa kanya.
"Tulad nang araw na nawala ang mga magulang namin ni Kuya, it felt as if someone threw me into a wall at hindi ako makatayo ng maayos. My whole body was numb," pagtutuloy ng binata sa kwento nito. "I lost more than a girlfriend that day because she was my best friend, too. Siya ang naging dahilan kung bakit mabilis akong nakamoved-on sa pagkawala nina Daddy at Mommy. Kaya 'nung nawala siya pakiramdam ko ayoko ng magpapasok ng ibang tao sa buhay ko dahil baka umalis ulit sila."
"I'm sorry," ang tanging nasambit niya dahil wala siyang ibang maapuhap na salita. Nayon ay naiintindihan na rin niya kung bakit sinabi nito noon sa kanya na ayaw nito sa mga outsiders. Kung bakit malayo ang loob nito sa mga tao na nasa paligid nito. He was silently protecting himself from another heartache. Parang gusto tuloy niyang yakapin ito at sa pamamagitan niyon ay siya na lang ang poprotekta sa binata. Lihim siyang napangiti. Gaano na ba kalalim ang nararamdaman niya para kay Uno upang maisip na protektahan ito?
"It's fine. That was four years ago," saad ni Uno.
"Leukemia ang naging sakit niya? Bakit hindi siya kaagad nagpa-transplant?" tanong niya. Hindi man malalim ang kaalaman niya tungkol sa karamdaman na iyon ay alam naman niyang mataas ang rate of survival kapag sumailalim sa ganoong operasyon.
"Wala naman talaga siyang balak na magpa-transplant. It was too late when we found out. Pinilit ko lang siya and she said yes to stop me from nagging her. Ako naman kasi talaga ang may problema. Hindi ko kayang tanggapin na hanggang doon na lang at bandang huli ay nawala pa rin siya. I know it's not my fault. Hindi ako sinisi ng pamilya niya pero hanggang ngayon iniisip ko na kung ginawa ko lahat ng makakaya ko, buhay pa rin kaya siya?"
"Sa palagay mo ba, hindi mo ginawa lahat ng makakaya mo?" tanong niya rito. Noon lang tumingin sa kanya ang binata at tila naguguluhan sa tanong niyang iyon.
"What do you mean?"
"Hindi mo siya sinukuan at alam mo ba na napakaswerte niya sa bagay na 'yon? Hindi lang talaga natin hawak ang buhay natin at kahit na anong oras ay maaari iyong bawiin sa atin," aniya rito. "Alam mo ba na ang tita at mga pinsan ako na naging pamilya ko dahil wala na akong mga magulang? My mom died when I was young at hindi ko rin nakilala ang tatay ko."
"Your point is?"
"Hindi ko naman sinasabi na kalimutan mo na si Ada. Ang sa akin lang, subukan mong buksan ang pinto mo para sa ibang tao. Mabibigla ka na lang na marami pala ang pwedeng magmahal sayo." Tulad ko, piping dugtong niya.
Stop. Right. There, suway naman ng isang munting tinig sa kanya. Mahirap na at baka kung saan pa mapunta ang inuman session nila na iyon. Wala siyang balak na mabaliw sa kakaisip kung sakali. Mabuti na lamang at muling nagsalita si Uno.
"Magawa mo pa kayang sabihin 'yan kapag nawala sayo ang taong mahal mo? You've never been in love, are you?" tanong nito sa kanya. Now, it's her turn to smile.