CHAPTER 08-PART 01; Usisa pa more.

753 Words
"Uhm, nagkape po kasi ako kanina kaya hindi ako makatulog ngayon," pagsisinungaling ni Chastity. Hindi naman kasi siya ganoon katanga para aminin kay Uno na ito ang dahilan kung bakit gising pa siya. "Eh, bakit gising pa po kayo?" tanong niya rito. "I don't know. Kaya uminom na lang ako para antukin," sagot nito sabay kibit-balikat. "Hindi ko alam na pwede pa lang pampaantok ang alak," komento niya sabay inom ulit sa kanyang alak. Muli siyang napasimangot dahil hindi nagbago ang lasa niyon. Mapait pa rin. "Well, now you know." "Akala ko talaga ay sineselebrate kayo kaya kayo umiinom. Makiki-celebrate sana ako," aniya rito sabay ngiti. Tumaas ang sulok ng labi ng binata dahil sa tinuran niyang iyon. He looked amused about her answer. "Bakit? Tuwing may celebration ka lang ba umiinom?" tanong nito sa kanya. Siya naman ang nagkibit-balikat. "Hindi naman po ako umiinom ng alak." Nagsalubong ang mga kilay ni Uno dahil sa sinabi niya. "Like never?" Tumango siya bilang sagot. "And why are you drinking now?" "Gusto ko lang po kayong samahan," wika niya. Natigilan ang binata at tila hindi nito inaasahan ang kanyang magiging sagot. And she was being honest about it. Gusto lang talaga niyang samahan si Uno sa pag-iisa nito at hindi na siya naghahanap pa ng sagot doon. Alam naman kasi niya na kahit ano pa baliktarin niya ang utak niya ay wala siyang makukuhang sagot. "Paano kung malasing ka?" anito sa kanya matapos ang mahabang katahimikan. Ngumiti ulit siya bago sumagot. "Nandiyan naman po kayo. Hindi naman siguro ninyo ako pababayaan, 'di ba?" "Huwag kang magtataka kung bukas pagkagising mo lumulutang ka sa swimming pool." Hindi niya napigilan ang tumawa ng malakas dahil sa sinabi ni Uno. Ang akmang pag-inom ng beer ng binata ay nabitin sa ere dahil sa pagtawa niya. Bahagya pa niyang hinampas ang balikat nito at hindi naman nagbabago ang blanko nitong ekspresyon. "Anong nakakatawa?" tanong nito nang hindi pa rin siya humihinto sa pagtawa. "Nag-joke ka kasi, Sir. 'Tapos poker faced ka pa. Paano ninyo ginawa 'yon?" aniya atsaka malapad na nakangiti. "Seryoso ako. Kapag nalasing ka, hahayaan lang kita. Iiwan kita rito," giit pa rin ng binata. Tumikhim siya upang pigilan ang pagtawa at nagtagumpay naman siya. Baka kasi layasan siya ni Uno kapag hindi pa siya huminto sa pagtawa. "Pero alam mo ba, Sir, doon sa amin kahit walang okasyon umiinom 'yung mga tambay sa kanto. Ginagawa na lang nilang parang tubig ang alak," pag-iiba niya ng usapan. Muling tumingin si Uno sa buwan at ginaya niya ang ginawa nito. Mas mabuti na siguro na hindi magtagpo ang mga mata nila dahil pakiramdam niya ay baka mabasa ng binata ang pilit niyang itinatago rito, ang kanyang lihim na paghanga. Naalala niya ang minsan na sinabi sa kanya ni Empress na madali raw siyang mabasa ng mga tao sapagkat inosente at hindi siya magaling magtago ng kanyang nararamdaman. "Hindi naman ako ganoon kaya hindi mo na kailangan na i-remind ako tungkol sa pag-inom ng alak," anito sa kanya. "Naku, Sir, hindi naman iyon ang gusto kong sabihin." "I drink occasionally." "Talaga po? Ano po ang okasyon ngayon?" pangungulit pa rin niya. "Birthday," tipid nitong sagot. "Sino po?" tanong niya. Sigurado naman siya na hindi ito ang may kaarawan sapagkat namarkahan na niya sa kanyang kalendaryo ang birthday ni Uno matapos siyang mag-research tungkol dito sa Internet. "Ada." One word. Three letters. And that was enough to make her speechless. Napakurap siya at unti-unting bumaba ang kanyang tingin. Tumango-tango lang siya habang nakatingin sa kanyang mga binti na nakababad sa pool. "You don't look surprised at all. I guess Kuya already spilled the beans?" ani Uno. Hindi niya kinumpirma ang huling sinabi nito. Nang tumingin siya sa binata ay nakita niyang nakamasid na ito sa kanya. His eyes were warm and it seems like he was waiting for her reaction. "Siya ba 'yung kasama mo sa picture?" lakas-loob niyang tanong sa binata. Tumango ito at ngumiti ng matipid. Ngiti na wala pa ring buhay. "Bakit ikaw lang ang nagse-celebrate ng birthday niya? Hindi ba dapat ay kasama mo siya?" "How I wish it would be as simple as that," makahulugan nitong sagot. "Bakit hindi? Iniwan ka ba niya? Ipinagpalit sa iba?" Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tapang niya at ganoon na lang siya kung makapagsalita kay Uno. Dahil ba iyon sa alak? Pero hindi pa naman ganoon karami ang naiinom niya. Ni hindi pa nga niya nagawa na makalahati ang beer niya. "She left, yes." Uminit ang ulo niya at hindi niya mapigilan na mainis. Kung kay Ada dahil iniwan nito ang binata o kay Uno na hindi pa rin makalimot ay hindi niya alam. "Bakit--" "She died, to be exact."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD