CHAPTER 02-PART 02; Background Check.

810 Words
"Ate Chas, bumili ako ng bagong screen protector para sa cellphone ko kaya lang hindi ko alam kung paano ilagay." Iyon ang salubong sa kanya ng panganay sa apat na magkakapatid na si Joy. Sixteen years old na ito at nasa huling taon ng high school. Hindi pa man niya nahuhubad ang kanyang suot na sapatos ay nilapitan na siya nito para lang sabihin iyon. "Oo na. Ilalagay ko mamaya," aniya habang tinatanggal ang suot niyang sapatos. Pagkatapos na pagkatapos ng kasiyahan sa reception ng kasal nina Joem at Kath ay dumiretso na sila ng uwi ni Empress. "Thank you! The best ka talaga, ate!" nakangiting wika nito. Masuyo naman niyang ginulo ang buhok ng dalagita. "Lalabas muna ako, may kailangan akong i-print," paalam nito sa kanya. Nakakunot noo siyang tumingin dito. "Nasira na naman ang printer natin?" Nalukot ang mukha nito atsaka tumango. "Oo, ate. Badtrip nga, eh." "Hayaan mo kapag nagkapera ako, papalitan na natin 'yon ng bago." "Yes!" masayang wika nito. Akmang aalis na ito nang tila may naalala at muli siyang tiningnan. "May naghihintay pala sayo sa sala, ate. Kausap ni Mama." "Sino?" nagtatakang tanong niya. Lumapit ito sa kanya at bumulong. "Hindi ko kilala pero mukhang mayaman." Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nitong iyon. "Gwapo rin siya, ate." Nakaalis na si Joy at siya naman ay dali-daling hinubad ang isa pa niyang sapatos. Pagkapasok niya sa sala ay nakatalikod ang bisita niya na naghihintay sa kanya. Ang kanyang Tiya Lorna ang naunang nakapansin sa kanya. Sinenyasan siya nitong lumapit at humarap naman ang kausap nito sa kanya. Napahinto siya sa paglalakad nang makita ang kuya ng lalaking tinulungan niya kagabi, si Julien. "Hello, Chastity. It's nice to see you again," nakangiti na bati nito sa kanya. "Ah ,eh, nice to see you rin po. Pero ano po ang ginagawa ninyo rito?" nagtatakang tanong niya. "I have a job offer for you." "Po? May trabaho na po ako," sagot niya. Narinig niya ang pagtikhim ng kanyang tiya kaya naman napilitan siyang lumapit at umupo sa tabi nito. "Maiwan ko muna kayong dalawa," paalam ng Tiya Lorna niya sa kanya at kay Julien. Nang makaalis ang kanyang tiya ay kaagad siyang hinarap ng kanyang panauhin. "As I was saying, I have a job offer for you." "Eh, Sir--" "I want you to be Uno's personal nurse." Daig pa niya ang nakarinig ng malakas na pagsabog ng bomba dahil sa tinuran nitong iyon. Hindi niya alam kung bakit tila siya nakaramdam ng excitement nang maisip niya na muli silang magkikita ni Uno. At ang mas nakakapagtaka ay kung bakit kailangan niyang masabik nang dahil doon. Ang gulo, aniya sa sarili. "Maayos naman po ang trabaho ko, Sir." "I'll double your salary," mabilis nitong tugon na mas lalong nakapagpagulo sa isip niya. "Pwede po bang magtanong?" maingat niyang tanong. "Go." "Kilala po ba ninyo ako? Isang beses lang po tayo nagkita at bakit inaalok na ninyo sa akin ang ganyang klaseng trabaho?" Ngumiti ito na tila ba nagustuhan ang kanyang pagtatanong. "Kapag may pera ka, magiging madali para sayo ang lahat. All I needed was a private investigator," anito. "A damn good one and your name. And after that, boom!" Nabigla pa siya nang mapalakas ang boses nito. Napahawak siya ng hindi oras sa kanyang dibdib. "Alam ko na ang lahat tungkol sayo." "Pinaimbestigahan po ninyo ako?" "Ah, yeah. I did a background check on you para naman malaman ko kung karapat-dapat ka sa trabaho na inaalok ko," sagot nito na puno ng kumpyansa. Kung ibang tao lang siguro ang kaharap ng lalaking ito ay baka nainis na iyon pero hindi niya maintindihan kung bakit kahit katiting na asar ay wala siyang maramdaman dito. Kung tutuusin nga ay malaki ang atraso nito sa kanya. Sino ba naman ang nanaisin na basta na lamang paimbestigahan? Wasn't that considered as a private matter? Pero naiintindihan naman niya ang pinupunto nito. Sa panahon ngayon ay mas dapat ng mag-ingat ang mga tao. Hindi naman maari na kung sino-sino na lang ang pagkakatiwalaan lalo na kung may importanteng bagay o tao ang nakasalalay. Katulad na lang ng kapatid nito. And speaking of his brother, bakit kailangan nito ng personal nurse? "May sakit po ba si Uno? Bakit po kailangan niya ng nurse?" Kahit anong pigil niya ay hindi na niya naiwasan ang magtanong. Nawala ang palabirong ngiti ni Julien at umiling bago sumagot. "Wala. Walang sakit si Uno. Kailangan lang niya ng magbabantay sa kanya. Kailangan ko lang masiguro na kumakain siya ng tama sa oras at hindi madalas ang pag-inom niya ng alak." Tumayo na ito pagkatapos at nagpaalam sa kanya. Inihatid pa niya ito hanggang sa pintuan at bago ito tuluyan na umalis ay muli itong tumingin at ngumiti sa kanya. "I hope you'll consider my offer. You're the best candidate for the job." May kinuha itong calling card mula sa suot nitong coat at ibinigay iyon sa kanya. "Sapat na ba ang tatlong araw para pag-isipan mo ang mga sinabi ko? Give me a call and I'm actually wishing you'd say 'Yes'."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD