"Ipinatawag mo raw ako, Kuya?" tanong ni Uno sa nakatatandang kapatid na abala sa pagbabasa ng kung ano nang pumasok siya sa opisina nito. Bahagya lang siya tinapunan ng tingin nito atsaka iminuwestra ang visitor's chair.
"Yes, have a sit," anito. Tahimik naman siyang umupo at hinintay ang iba pang sasabihin nito. "I just need to finish one more page."
Hindi na lang siya nagsalita at hinayaan ito sa ginagawa. Sa kanilang dalawa ay hindi naman maipagkakaila na mas abala ito sa kanya. Ito ang nagpapatakbo ng negosyo na itinatag ng kanilang lolo. He's a ninety-year-old veteran and now quietly living with his second wife.
The Wings Aerospace Industries is an aerospace and defense company. Their company's products were mostly civil aircraft and military aircraft. They also manufacture and sell weapons and military technology. Their father used to run the company but when he had a car accident, he lost his life together with their mom.
Nasa huling taon pa lamang siya ng high school noong mangyari iyon at ang kanyang kapatid naman ay patapos na sa kursong Business Management. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos nitong mag-aral ay kaagad itong sumailalim sa training upang matutunan kung paano patakbuhin ang kompanya.
Hindi naman naging mahirap sa kanya ang mag-moved on mula sa trahedya na iyon sapagkat lumaki naman sila na malayo sa kanilang mga magulang. Madalas ay ang mga kasambahay ang kasama nilang magkapatid dahil abala ang kanilang ama't ina sa iba't ibang mga kompanya na pagmamay-ari ng mga ito.
Masakit man ang nangyari ay ginabayan naman siya ng kanyang lolo at kuya. Naging sandalan nila ang isa't isa at mas tumibay ang relasyon nilang tatlo. He actually built a wall against outsiders that was eventually penetrated by Ada. His Ada.
"I have to go to Thailand for a business trip and you already know that I'll be gone for a month, right?" basag ng kuya niya sa kanyang pananahimik.
"Yes," maikli niyang sagot. Naalala niya na nasabi na iyon sa kanya nito noong nagdaang araw. "You're leaving tomorrow, right?" tanong niya rito nang hindi ito tinitingnan. Panay ang sulyap niya sa kanyang suot na relo upang ipahalata rito na ayaw na niyang pahabain ang diskusyon nila. Hindi pa rin kasi niya mapigilan na mag-alala sa tuwing umaalis ito. They only have each other at kahit na hindi niya madalas na iparamdam ang pagmamahal niya rito ay hindi pa rin niya magawa na tumingin ng diretso rito sa tuwing nagpapaalam ito sa kanya.
"Yep. And I was looking for someone to look after you while I'm gone."
Noon lang dumako ang tingin niya sa kanyang nakatatandang kapatid. "You did what?"
"Tagalugin ko? Ang sabi ko naghahanap ako ng maaaring magbantay sayo habang wala ako," anito sa kanya na hindi pinansin ang marahan na pagtaas ng kanyang boses.
"Naiintindihan ko kung ano ang sinabi mo, Kuya. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangan mong gawin iyon?" salubong ang mga kilay niya habang sinasabi iyon.
Hindi naman niya nakitaan ng pagbabago ng reaksyon ang kanyang kapatid at komportableng nakasandal lang ito sa sariling swivel chair.
"Baka kailangan ko pang ipaalala sayo kung ano ang nangyari last Saturday, Uno?"
Hindi siya nakasagot kaagad nang maalala ang ikinuwento sa kanya ng kanyang kuya. Nalaman niya na may isang babae na nagmagandang loob na ihatid siya sa kanilang bahay dahil sa labis niyang kalasingan. Hindi nga lang niya maalala ang mukha nito pero hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang amoy ng mahaba nitong buhok na ilang beses niyang naamoy sapagkat may kaliitan ito sa kanya.
Kung hindi siya nagkakamali ay may halong cherry blossom ang gamit nitong shampoo. Maliban doon ay wala na siyang iba pang maalala. Basta kinabukasan pagkagising niya ay parang binibiyak ang kanyang ulo dahil sa hangover.
"That won't ever happen again, Kuya," aniya matapos ang mahabang katahimikan.
"Yes and I'm making sure of that," mabilis nitong tugon na nakangiti pa ng malapad.
"Kuya--"
Itinaas nito ang isang kamay upang pigilan siya sa pagsasalita. Alam na marahil nito na kokontra lamang siya. "Uno, just don't, okay? Ayoko rin na umabot pa sa punto na napapabayaan mo na ang kalusugan mo kaya kailangan kong makasiguro na kumakain ka sa tamang oras."
Napabuntong-hininga na lamang siya at malumanay na nagtanong. "May nahanap ka na ba? Sino at saan mo siya nakilala?"
"May nahanap na ako, yes. Kaya lang hindi pa siya sumasagot so I'm currently looking for another one kung sakali na hindi siya magparamdam hanggang ngayon," mahabang litanya nito.
"So, sino nga?" naiinip niyang tanong.
Tumunog ang cellphone nito at kitang-kita niya ang pag-ngisi nito. Tumingin ito sa kanya matapos tanggapin ang tawag ng kung sino man na iyon. "Chastity," saad ng kuya niya.
Kumunot ang kanyang noo at akma na siyang tatayo upang lumabas sa opisina nito nang marinig niya ang sinabi ng nasa kabilang linya.
"Hello, Mr. Salonga? Tinatanggap ko na po ang alok ninyo na maging personal nurse ni Uno."
Nang tingnan niya ang kanyang nakatatandang kapatid ay kitang-kita niya ang ngiting tagumpay nito at muli na lamang siyang napabuntong-hininga. Napailing na lamang siya.