Chapter 4: Muling Pagkikita

2398 Words
       Mabilis ang galaw ni Jia nang umagang 'yon. Male-late na kasi siya sa trabaho. Ngayon pa naman ang balik ni Json sa opisina matapos ang dalawang buwan na honeymoon nito at ni Ms. Alexa. Kaya bawal siyang ma-late. Lalo pa at may meeting ngayon ang board. Hindi rin naman siya sure kung daraanan siya ni Sir Charlie ngayon dahil nagka-carpool talaga sila nito noon pa dahil sa iisang barangay lang sila nakatira. Kaya kailangan, bago mag-alas siete, nakalabas na siya ng bahay para sa pakikibaka niya sa trapik.        Kaso, gaya ng mga nakaraang araw, masama ang pakiramdam niya kaya tinanghali siya ng gising. Mukhang nasosobrahan na siya sa pag-aaral ng English kahit na halos isang linggo pa lang sila ng bagong tutor niya. Bago ang tutor niya kasi nag-give up ang dalawang datihan niyang tutor. Pangatlo na niyang tutor itong kasalukuyan sa loob lamang ng dalawang buwan. At noong isang araw, parang may pagbabadya na naman ito ng pagsuko. Kaya naman pinu-push niya talaga ang pagre-review sa gabi, kahit na pakiramdam niya matutuyo na ang dugo sa utak niya. Sige pa rin siya, push sa Englishan na 'yan. Para sa bright futuristic future niya.        Future.         Have a great life!          Napangiti si Jia nang maalala ang sinabi ni Tyrone sa kanya mahigit dalawang buwan na ang nakararaan. Wala sa sariling nginitian ang repleksyon niya sa salamin. Nakabihis na siya at ready na naman siyang kumembot para sa ekonomiya.          "Truli! May bonggang-bongga kang future, Jia! Tiwala lang!" pangungumbinsi pa niya sa sarili. Matapos niyon, lumabas siya ng kanyang inuupahang bahay at tuluyang tumulak sa pakikibaka sa trapik. *****            Malas.            Hindi alam ni Jia kung bakit kailan siya nagmamadali, maraming ginagawa at nagpapakabibo sa pagkembot sa ekonomiya, doon siya inaatake ng sandamakmak na kamalasan.           Kanina habang nasa jeep siya patungo sa opisina, may batang umiinom ng Chuckie at natapunan ang skirt niya. Buti na lang black ang kulay ng skirt niya. At dahil bata ang salarin, 'di niya mapatulan. Sunod naman, nasiraan ang jeep na sinasakyan niya limang kanto mula sa bababaan niya sana. Kaya naman, alay-lakad ang drama niya hanggang sa makarating siya sa opisina. Pagdating niya sa DLVDC, nagtransform na siya sa isang mandirigma— mandirigmang sinuong ang usok, germs at polusyon para lamag sa pagkembot sa ekonomiya. At parang gusto talagang mag-bingo ng kamalasan sa kanya ng araw ngayon, dahil habang nagse-xerox siya ng nga kakailanganin para sa board meeting, nag-inarte naman ang photocopy machine.           Juskohan talaga!           At dahil panay ang follow-up sa kanya ni Sir Charlie, 'di na siya tumawag sa IT para i-report ang problema. Nagpaka-gifted child na lang siya at siya na mismo ang gumawa. Dati siyang xerox girl sa pinasukan niyang printing shop kaya kabisado na niya ang pagkalikot sa photocopy machine. Nagtagumpay naman siya na ayusin ang photocopy machine kaya lang, namantsahan ng toner ang office blouse niyang puti at nagmukha siyang taong grasa.           "Ano girl, keri pa?" pukaw sa kanya ni Albie nang madaanan nito ang maliit niyang opisina. Galing ang bakla sa pantry at nagtimpla ng kape. Nang mag-angat siya ng tingin ay nanlaki ang mga mata nito. "Saan ka nakilamay kagabi 'te? Kabogera ang eyebags natin a! May kinita ka ba d'yan?"             Imbes na sumagot, nagkamot siya ng ulo. "Paabot naman ng mga bagong folders d'yan," Inginuso niya ang office supplies box na malapit sa puwesto ng kaibigan. Tumalima naman ang kaibigan at inabutan siya ng folders.            Kapag ganitong board meeting haggardo talaga siya lagi dahil iniiwasan niyang magkamali. Nahihiya siya kasi kay Json. Ayaw niyang lagi na lang ito nakabantay at taga-salag sa mga mali-mali niya. Lalo na ngayon, darating daw si Doña Carmela Dela Vega o CDV, ang matriyarka ng mga Dela Vega. Ilang beses na rin naman niya itong nakasalamuha. Mabait pero may pagkastrikta.             Pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo, mahigpit din daw ito at disiplinado. Dapat lahat maayos, walang gusot. Kaya naman heto siya, aligaga sa paninigurong tama lahat ang dadalhin niyang mga papeles sa loob ng board room.             Tumunog ang telepono. "Goodmorning, CEO's Office, May I know who's on the line please," bati niya sa tumatawag.            Natuwa si Albie sa ginawa niya, pumalakpak pa ng walang sounds sa harap niya. Ito kasi ang nagturo niyon sa kanya. Dalawang linggo niyang inaral ang linyahan sa pagsagot sa telepono. Dalawang linggo rin sa pagkuha ng mga mensahe. Paano, lagi siyang sinasabon sa HR noong unang buwan na siya lang ang tumatao sa opisina ni Json. Ilang beses rin niyang nakitang mag-transform sa isang dragon ang head ng HR na si Ms. Sandra dahil sa halos araw-araw na complaints na natatanggap nito tungkol sa trabaho niya. At dahil sa awa sa kanya, nag-full force na sina Albie at Aleli. Tinuruan siya ng mga kaibigan kung paano sumagot sa telepono at kumuha ng mensahe. Sa totoo lang, alam naman sana niya ang sasabihin o gagawin. Kaso, lagi siyang nauunahan ng nerbyos at taranta.           "Primebuild-RMM Builders po? Hindi pa po. Sige po, sasabihan ko na lang po ang board. Thank you have a great day!" Pinakonyo niya kunwari ang pagbigkas sa huling pangungusap para mas mukhang shala. Sabi kasi ni Aleli, mas ipit ang boses, mas sosyal ang dating.           "Bongga na?" nakangiting tanong niya kay Albie matapos niyang ibaba ang telepono.           "Bongga na! Pak!" masayang sagot nito bago nakipag-apir sa kanya. "Alam mo kung ka-career-in mo talaga mag-English, effective ka rin e. Kaya kung ako sa 'yo, pagbutihin mo 'yang pagpapa-tutor mo."           "Naman!" sagot niya habang iniisa-isa ang laman ng bawat folders.           "O siya, babalik na ako sa pwesto ko. At saka nga pala girl, manalamin ka bago ka pumasok sa boardroom. Mas mukha ka kasing yagit na puyat kaysa secretary." Humahalakhak itong lumabas ng opisina niya.           Nagmamadali niyang nilabas ang compact mirror sa bag niya. Napangiwi siya, makulimlim ang kanyang kinabukasan. Totoo nga, ang haggardo ng itsura niya. Humulas na ang manipis niyang make-up; naka-highlights ang parang na-jombag na mga mata niya; pati buhok niyang naka-bun kanina, nakalugay na ang kalahati; at parang nanghiram siya outfit sa taong grasa dahil sa bahid ng toner sa damit niya.           Juskolerd! Parang magugunaw na ang mundo pero siya ang unang biktima!           Nilabas niya ang lipstick niya pero bago pa man niya iyon maipahid sa mga labi niya, napaigtad siya nang tumunog ang intercom.          "Ms. Hidalgo, nasa boardroom na ang board of directors. Parating na rin si CDV. Bring the documents there now!" utos ni Sir Charlie.            Lalong nawindang ang mundo ni Jia. Wala na siyang naisip pang iba kundi ang inutos sa kanya. Para siya tuloy hilong robot na matapos magpaikot-ikot ay mabilis na pinulot ang mga folders na kailangan niya bago lumabas ng kanyang opisina.           Magkasunod silang pumasok sa board room ni Sir Charlie. Awtomatiko niyang binigyan ng folders ang mga board of directors.           "Ayos ka lang?' nag-aalalang tanong ni Ms. Alexa sa kanya nang bigyan niya ito ng kopya ng files.           "Naman, Ma'am! Batang may laban!" pabibong sagot niya kahit pabulong. Mahinang humagikgik ang babae. Sinulyapan niya si Json na nasa tabi nito, babatiin niya sana kaso may kausap ito sa phone. Si Ms. Alexa na lang ang sinabihan niya. "Tumawag po pala ang Primebuild-RMM Builders, 'di raw po makakarating si Mr. Mendoza. Magpapadala na lang daw po ng representative at isang consultant—"           Nabitin sa ere ang karugtong ng sasabihin niya nang bumukas ang pinto ng board room. Sumalubong sa kanya ang pamilyar na kulay kapeng mga mata ng bagong dating. Agad na kumabog ang dibdib niya, pinangapusan na rin siya ng hininga. Nang ngumiti ang lalaki ay lalo lamang siyang natuod sa kinatatayuan niya.          Juskolerd! Ang tukmol na reklamador na si Tyrone, may aparisyon! At naghahasik ito ng kaguwapuhan sa sangkalupaearth habang suot ang business suit nito.          "Tyrone! Glad to see you!" salubong ni Sir Gustavo dela Vega sa bagong dating. Ito ang kasaukuyang OIC-Chairman ng DLV Conglomerate at panganay na anak ni CDV.           "Rob can't make it, so he sent me," ani Tyrone, bahagya pang sumulyap sa kanya. "By the way this is Architect Ashley Rivera Wilson, our project manager at Victory Towers in Paris and my fiancée."           Noon lang niya napansin na may kasama nga pala ito. Fiancee? Saan na nga ba niya narinig 'yon? Jusko! May sumpong ulit ang reception ng braincells niya, hindi na naman makahigop ng signal sa bokabularyo ng mga sosyal.          Ilang sandali pa, lahat ng nasa board room binabati ang bagong dating ng 'Congratulations'. Pati nga sina Json at Ms. Alexa, nakibati rin. Kinuha naman niya ang pagkakataong iyon upang gumilid bago pasimpleng sinulyapan ang babaeng fiancée raw ni Tyrone.         Matangkad ang babae, hindi nalalayo ang height kay Tyrone na ayon sa mga nabasa niyang artikulo ay mahigit anim na talampakan ang taas. Kulay brown at blonde ang buhok ng girlalo, nakaputing damit at may makutititap na ngipin. Architect daw ito pero bakit gano'n, mas mukha ito modelo kaysa architect? Umusbong ang pagmamapait sa dibdib niya. Bakit kasi inari nito lahat ng kagandahan at talino sa mundo at 'di binahaginan ang mga tulad niya— slight na nga ang ganda pilipit pa ang dila sa English. Kumbaga sa pageant, inari nito ang major awards, siya Ms. Friendship lang.         Wala sa sarili siyang napatungo. At kahit na anong pigil niya, hindi niya naiwasang ikumpara ang sarili dito. Kung bakit, 'di niya alam. Mukhang naka-switch ang buton ng pagiging inggitera niya na madalang lamang mangyari.         Nang muli niyang subukang sulyapan si Ashley, mga mata ni Tyrone ang sumalubong sa kanya. Lalo siyang napatungo sa ginawa nito. Umabot na hanggang bunbunan ang nerbyos niya, hindi naman niya kasi napaghandaan ang tagpong 'yon. Ang tadhana talaga mukhang pinagti-tripan siya. Hindi naman Huwebes pero mahilig mag-throwback! Juskolerd talaga!          Plinano na niyang umeskapo, unti-unti siyang naglakad paatras papunta sa pinto.          "Jia?" tawag sa kanya ni Json.          Juskolerd!         "Y-yes, Sir?" alanganing sagot niya, mababa pa rin ang ulo.          "Please give Mr. San Miguel and Arch. Wilson a copy of our report for the joint project in Paris," mahinahong utos ni Json.          Agad na nawindang ang isip niya. Bakit ba kasi may mga ganoong eksena? Aktibo naman siya sa pagpapalaganap ng peace on earth pero bakit ang tadhana, binabagabag siya?          At dahil wala siyang mapagpipilian, inangat niya nang kaunti ang kanyang ulo at sinilip kung saan nakapuwesto sa malaking oval table si Tyrone. Nakatungo ngunit kalmado siyang naglakad patungo sa pwesto ng mga ito. Inabot niya ang mga folders nang hindi nag-aangat ng ulo.           "Thank you, Jia," mahinang bulong ni Tyrone. Tumalikod na lang siya agad at 'di sumagot.           Lalo kasing naging aktibo sa paglipad ang mga paru-paro sa tiyan niya nang banggitin nito ang pangalan niya. Kapag ito kasi ang bumabanggit sa pangalan niya parang may ibang meaning, parang may... may... landi?          Juskolerd! Pasimple siyang napa-sign of the cross. Nasa trabaho siya pero kung saan-saan napupunta ang isip niya. Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad palabas ng board room. Kaso, dumating si CDV, may kasamang delubyong hatid at siya ang unang biktima.         "Why do look like that, Ms. Hidalgo?" Magkadikit ang kilay ng matandang matriyarka habang nakatitig sa kanya. "Are you possessed or something? Hindi ka na nahiya sa mga board of directors at mga bisita. Go fix yourself!"          Doon niya naalala na oo nga pala, nakalimutan niyang ayusin ang sarili niya! Basta na lang siyang tumuntong sa board room na parang yagit na puyat na madilim ang kinabukasan.         "S-sorry po, M-Ma'am," aniya bago muling tumungo. Pahiyang-pahiya na naman ang ganda niya. Binggong-bingo na ang kamalasan sa kanya ngayog araw na 'to, a.         "Jia," tawag sa kanya ni Json pero nanatili siyang nakatungo.         "Ako na, luv," dinig niyang sabi ni Ms. Alexa. Mabilis itong naglakad papunta sa tabi niya at sabay silang lumabas ng board room. "Walk me to my office," anito na agad naman niyang sinunod. "Ano ba kasing nangyari?" anito habang itinutulak pabukas ang pinto ng opisina nito. Mabilis itong umupo sa swivel chair na parang hapong-hapo. Pinaupo naman siya nito sa receiving chair.         "Minamalas 'ata ako ngayong araw na 'to, Ma'am," malungkot na balita niya bago ikuwinento ang ginawa niyang pakikibaka sa kamalasan ng araw na 'yon. "May sumpa itong araw na 'to, Ma'am. Bukas na bukas din, magtitirik ako ng insenso sa bahay para lumayo sa akin ang bad vibes."          Napangiti si Ms. Alexa bago masayang hinawakan ang tiyan nitong halata na ang umbok. Buntis kasi ito, limang buwan na kung 'di siya nagkakamali. At sa tingin niya lalo itong gumanda dahil sa ipinagbubuntis nito. Sana nga lalaki na ang anak nito para may kalaro na si Kylie, ang panganay ng mga ito.          "The things you have to endure for work," komento nito. "Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin 'yong car allowance na sinasabi sa 'yo ni Json? Eh 'di sana, hindi ka na nahihirapan pang mag-commute sa umaga."           "Naku! Wiz, Ma'am! E 'di lalo na naman akong pag-uusapan dito sa opisina. Bobita Jones na nga ako tapos baka sabihin nila social c****x ako."           "Social c****x?"           "Truli, Ma'am! 'Yon bang nakikipag-friendly friends sa mga shala at heavenly bodies para maging you know, GMA, we belong."            Natawa ito bago, "Ah, social climber."            "'Y-yon nga ang ibig kong sabihin. Natumbok niyo!" mabilis niyang sagot para makalimutan ang pagsablay ulit ng kagandahan niya.            "Jia, hindi ka social climber. Json treats you like family. At ganoon na rin ang turing ko sa 'yo. At kahit na anong kailangan mo, basta kaya naming ibigay, okay kami dyan. Basta 'wag kang mahihiyang magsabi sa amin, lalo na sa akin. Ano pang silbi na parehas tayong miyembro ng Kapisanan ni Gabriela kung hindi kita tutulungan?"            "Ay bet ko 'yan, Ma'am! Pagtutulungan. Para sa Kapisanan ni Gabriela!"            Nag-apir ang dalawang babae, bago sabay na humagikgik. Laking hirap din si Ms. Alexa kaya magkasingtaas sila ng antenna sa pagbe-bekinese.          Maya-maya pa, inabot nito sa kanya ang ilang mga paper bags na may tatak na 'di niya mabigkas. Basta alam niya, shala leveling na naman ang mga 'yon. "Ito ang pasalubong namin sa 'yo. Puwede kang pumili d'yan ng pampalit mo ngayon."          Sinilip niya ang laman ng bag bago nag-angat ng tingin. "Ma'am ang dami naman po nito."         "Hay naku, kulang pa nga 'yan. Sa susunod, bibigyan ulit kita."         "Ma'am-"         "Hep!" Itinaas nito ang hintuturo nito.         "Pero Ma'am-"         "Wala nang pero-pero. Nakasadya para sa 'yo ang mga 'yan. Kaya sige na Jia, magpalit ka na. Bago na naman dumanak ang katarayan ni Gran sa loob ng board room." Napahagikgik silang dalawa sa sinabi nito. Nagpasalamat muna siya rito bago siya tuluyang dumiretso sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD