KENNETH POV "Kenken namin. Kamusta ka naman dito?" Parang batang tanong sakin ni Drew ng bisitahin nila kong apat dito. Sa Garden ng school kami tumambay para walang ganong makakita sakanila. Kung hindi pag kakaguluhan kaming lahat dito at mapapaalis sila agad. "Bakit parang blooming ka kenken?" Biro sakin ni Rax. Nginitian ko siya at lalong nag pa cute. "Syempre ako pa." Sagot ko pa. Nang biglang mahagip ng mata ko si Jem. Mag isa lang siya at may sinusundan na paro paro. Para siyang batang tignan nakakatuwa. Pero ng malayo na yung paro paro. Bigla nalang lumungkot ulit yung mga mata niya at biglang nag seryoso. Lagi nalang siyang nakabusangot na para bang pinagtaksilan siya ng boong mundo. "Teka? Sino naman yang tinitignan mo?" Bigla nilang tanong sakin kaya napabalik ako ng tingin