WHG 05: Dream

455 Words
Kagabi. Nanaginip ako ng kaimposiblehan! Nasa concert parin ako nakapikit at nakikinig sa musika pero hindi sila Marie ang aking kasama. Si Jeremy. Masayang masaya kaming tumatalon at sumasayaw sa bawat beat ng tumutugtog. Ang saya saya namin ng bigla niya nalang daw akong halikan. Sa panaginip ko, wala akong naisip na kahit ano. Bigla nalang daw nag blanko ang aking isip. Hinawakan niya ang aking kamay kasabay 'non ang kanyang pag halik. Hindi ako umalma sa kanyang ginawa. Sa panaginip ko. Masaya ako sa kanyang ginawa. Habang unti unti niyang hinihiwalay ang kanyang labi mula sakin. Isang matamis na ngiti ang nakita ko sa kanyang mukha. "At hindi ako naniniwalang mag kaka-totoo 'yon. Ayokong umasa dahil ayaw naman na niya sakin." Bulong ko habang nag lalakad pauwi. "Imposible..." "Bakit ngayon kalang umuwi?" Masungit na bati sakin ni Jeremy ng buksan niya ang pintuan. Salit na sagutin siya, nahagip ng aking mga mata ang kanyang labi. Bigla kong naisip ang panaginip ko kung saan hinalikan niya ko at nginitian. Kami ni Jeremy. Wala na daw pag asang maging tulad ng dati. Hindi ko man alam ang kanyang dahilan kung bakit niya 'to ginagawa sakin. Pero nasaktan nako sa sinabi niya. 'Na mas ok siya kapag nawala ako sa buhay niya'. "Kinakausap kita." Dagdag niya pa. Nilampasan ko nalang siya at hindi na sumagot. Mas mainam na 'yon. Para makalimot na kaming pareho. Katulad ng gusto niya. "Bess. Alam mo ba na may bagong transferee?" Lapit sakin ni Marie sabay paikot nila ng bangko sa tabi ko. "Talaga?" Gulat na tanong ko. "Guess who?" Tuwang tuwa na sabi ni Sara sakin. "Sino?" Tanong ko lang. "Si Kenneth. Yung isa sa Dark Angels! Yung pumatong sayo kahapon!" Kinikilig niyang sigaw kaya agad kong tinakpan ang kanyang bibig sabay tingin kay Jeremy. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang naka head set siya. "Makapatong ka naman. Kapangit ng salita. Mamaya kung ano isipin nila." Mahinang bulong ko sakanila. "Ou nga naman." Pag tango naman sakin ni Marie. "Ayan na." Excited nilang sigawan habang umaayos na ng upo. Ano gagawin ko? Totoo ba? Makikilala niya kaya ako? "Hello. Ako nga pala si...""Kenneth!!!" Di pa siya nakakatapos mag salita ng mag hiyawan ang mga kaklase namin. Agad kong tinakpan ang aking tenga sa sobrang lakas ng mga boses nila. Pati labas ay may humihiyaw. Tinignan ko naman si Jeremy pero wala siyang pakialam at naka head set parin. ◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸ "Excuse me? Parang kilala kita?" Napatigil ako sa pag lalakad habang papunta kila Sara ng may tumawag sakin. Tinignan ko sila Sara mula sa malayo at halatang tuwang tuwa sila sa nakikita nila. Grabe ang susupportive talaga nila. "Ako? Hindi ah." Sigaw ko sabay takip ng mukha. "Ou parang kilala talaga kita!" Nag iisip niyang sigaw habang inaaninag ang mukha ko. Agad akong lumalayo layo sakanya. Teka? Tumitibok nanaman ang puso ko. Bakit ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD