Pag dating namin sa bahay hanggang sa pag kain namin. Hindi na kami nag pansinan ni Jeremy. Natitingin ako sakanya pero pag tumitingin siya napapaalis agad ako ng tingin at lumalakas ang t***k ng puso ko. "Anong mga mukha yan? Mag kaaway ba kayong dalawa?" Biglang sabi ni Tita Sally habang kumakain kami sabay sabay ng hapunan. Mula kasi ng halikan niya ko di na kami nag pansinan. Naiilang din naman akong kausapin siya. Siya kaya yung nang halik. Di naman ako. "Anak? Ano pinag awayan niyo?" Biglang tanong sakin ni Mama. Kaya naman napatingin ako kay Jeremy. Bigla naman siyang tumingin din sakin kaya inalis ko agad ang tingin ko. Oh please. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Paulit ulit na nangyayari sa utak ko yung ginawa niya kanina. Yung malalambot niyang labi. Hindi ko tuloy maiwasang tig