"Aaaaaahhh! Totoo?! Nakaka kilig naman siya." "Kainggit naman!!" Tilian nila habang papasok na kami sa school. Ang iingay nila baka mamaya pag kaguluhan ako nung mga babaeng may gusto kay Kenneth. Yari talaga ako nun. "So? Di mo na gusto si Jeremy kasi may Kenneth kana?" Biglang siko sakin ni Sara habang tinataas taas pa ang kilay niya. "Haha Siguro." Kinikilig kong sagot sakanila. Nag tilian naman sila at sumunod sakin. "Hmm? Si Mia 'yon diba? Bakit tumatakbo siya habang umiiyak?" Bigla naming pansin. Napahinto naman ako sa pag lalakad ng makita si Jeremy na nag lalakad papunta sa direksiyon namin. Seryoso siya. Napalunok tuloy ako. Ano nanaman kaya ang problema niya? "Halika mag usap tayo." Seryoso niyang hila sakin. "Sandali lang. Jem!" Gulat na tawag sakin nila Sara. Wala nama