KABANATA 2: JOB

2251 Words
Thamia “AALIS KA?” Dumalaw sa bahay namin si Kiel at sinabi ko kaagad sa kanya ang balak ko. Tumango ako sa kanya. Binanggit ko kasi sa kanya na binabalak kong umalis ng bansa at magbago ng katauhan. Pakiramdam ko, roon lamang ako tuluyang makakawala sa mga nangyari sa akin. I badly want a fresh start. “Balak pa lang naman, pero wala pa akong pera para roon. Hindi ako makahanap ng trabaho.” Nalungkot ako nang maalala lahat ng trabaho na in-apply-an ko para lamang hindi ako matanggap. Alam ko na mahihirapan ako dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral pero mas nahirapan ako dahil nakikita sa clearance ko na nakulong ako ng apat na taon kahit na acquitted naman ako. Siguro ay natatakot sila sa krimen na inakusa sa akin. Murder. I will never forget that at the age of 18, pinagsuspetiyahan ako ng isang malaking krimen na hindi ko naman ginawa. “Nabanggit nga ni Mama na hindi ka raw nakapasa sa final interview. Dahil ba sa record mo?” Huminga ako nang malalim. Alam ko na malungkot din si Kiel para sa akin pero masaya naman ako sa pagtulong niya. “Huwag kang malungkot! Makakahanap din ako ng trabaho. Siguro ay hindi lang ako para sa malaking kompanya. Maghahanap muna ako ng maliit na trabaho. Iyong hindi mahigpit.” Hinawakan ni Kiel ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin. “Don’t push yourself too hard. Ang sabi naman nina Mama ay tutulungan ka namin. Ako rin, tutulong ako sa ‘yo.” Lalong lumawak ang ngiti ni Kiel. “Kapag nakapagtapos na ako, kukunin kita. Kapag nagpakasal tayo, hindi mo na kailangan maghirap mag-isa. Ako na ang bahala sa lahat.” Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya. “Thank you, Kiel.” “Hindi mo na kailangang umalis at magpabago ng pangalan, Tamie.” Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Hindi ko rin naman gusto iyon, pero sa tingin ko ay iyong ang mas makakabuti. Hindi para maitago rin ang nangyaring pagkakakulong sa akin, kung hindi para na rin hindi ko na maalala ang malagim na nangyari sa buhay ko. “Kahit naman magbago ako ng pangalan at pumunta ng ibang bansa, magkikita pa rin naman tayo, Kiel. Sa ngayon kasi ay iyon lang ang nakikita kong paraan.” Ayoko rin na kapag nakikita ako ng ibang tao at nalaman nila ang nangyari sa akin, iyon na lamang ang maalala nila sa pangalan na mayroon ako. Huminga nang malalim si Kiel. “Kung iyan ang gusto mo, susuportahan kita. Pwede rin naman akong maghanap ng trabaho sa ibang bansa kung sakali.” “Kiel…” Ngumiti ako sa kanya. Masaya sa mga bagay na sinasabi niya. Kumain kaming dalawa. Dahil wala pa akong sariling pera at tight ang budget ko, siya na naman ang nanlibre sa akin. Makaluwag-luwag lang talaga ako, ako naman ang magbabalik ng kabutihang loob sa kanya. Naghubad ako ng damit pagkauwi ko para makapagpalit. Naisipan ko na maglaba ng mga maduming damit. Nag-shorts na lang ako at nag-t-shirt. Nang mapadaan ako sa salamin ay napatigil ako. Napansin ko ang peklat sa may hita ko. Hindi naman iyon masyadong malaki, pero sapat na para ipaalala sa akin ang lahat ng nangyari. Noong bago ako sa kulungan, takot na takot ako. Walang araw na hindi ako umiiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naroroon. Bakit ako iniwan ni Mama? Bakit niya hinayaan na makulong ako at mag-isa rito? Bukod sa takot ko sa mga nangyayari lalo na’t baka permanente na akong makulong, hindi ko rin nakakasundo ang mga kasama ko sa kulungan. May pagkakataon na binubu-bully nila ako at inuutos-utusan. Wala akong magawa noon kung hindi ang sumunod sa kanila. Nasanay rin naman ako. Naisip ko na kung gusto kong maka-survive sa loob, kailangan kong makinig sa sasabihin ng iba at huwag umangal. Kahit na minsan ay hindi ko na makayanan ang mga ginagawa nila. “Maganda ‘tong bata na ‘to. Halika nga rito. Lumapit ka sa akin.” Kahit na natatakot ako sa tinuturing na boss ng kulungan namin, kinailangan kong lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinagmasdan ang aking mukha. Ngumiti siya at lalo akong natakot. “Mamayang gabi, sa selda ko ito, ha?” Nangilabot ako sa sinabi niya. Wala sa sarili ko siyang itinulak. Nagulat ang babae sa ginawa ko at halata na nagalit. “Aba, at lumalaban ka, ah!” Sinampal ako ng babae at pinagsisipa. Nang dahil doon ay nagkaroon ng kaguluhan sa kulungan. Ang iba na may mga tinatagong patalim, inilabas nila. Nagkaroon ng komusyon at may ilan na nagtangkang kuning oportunidad ang kaguluhan para makatakas. Gumapang ako no’n sa isang gilid at niyakap ang tuhod ko. Nanginginig ang aking katawan sa takot. “Ayoko na rito.” Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi habang umiiyak. “Hoy!” Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang nakakatakot na babae kanina. Tinangka kong umalis pero tinulak niya ako kaya sumubsob ako sa sahig. Gumapang ako para makalayo pero hinigit niya ang paa ko. Nang sipain ko siya ay sinaksak niya ang hita ko nang matilos na bagay. Naalala ko kung gaano kasakit iyon. Halos mahimatay ako nang dahil sa nangyari. Nalipat sa bilibid ang mga nagsimula ng gulo. Kaya ang mga sumunod na taon ko, kahit papaano ay tolerable na sa akin. Hinaplos ko ang naging peklat. Ganoon man, may mga bagay talaga na mananatili na sa ‘yo habang buhay at kahit panahon ay hindi na makakatulong upang maghilom. Iniling ko ang ulo. Ayoko nang maalala ang mga iyon. Habang inaayos ko ang mga lalabahan ko, may nahulog sa isang pocket ng pants ko. Tiningnan ko iyon at napansin na maliit na papel iyon. Nang kunin ko, roon ko naalala iyong lalaking kasama ng natapunan ko ng kape. Miguel Landaverde. He told me to call him, pero alam ko kung bakit niya ako gustong tumawag sa kanya. Halata naman na babaero ang lalaki at alam ko kung anong gusto niyang makuha sa akin. Pero…wala namang masama kung susubukan ko. Baka lang…matulungan niya ako. Alam ko na maaaring hindi libre ang tulong na ibibigay niya sa akin kung sakali, ngunit desperado na talaga ako. Kailangan kong makahanap ng trabaho dahil hindi ako pwedeng umasa na lang sa pamilya ni Kiel. Kinuha ko ang lumang cellphone ko. Mabuti na lang talaga at gumagana pa ito. Tinawagan ko ang numero pero…wala pala akong load. Bumuntong-hininga ako at lumabas ng bahay. Wala akong budget para sa load subalit alang-alang sa maaaring makatulong sa akin upang magkatrabaho ay gagawin ko. Nagpa-load ako at umuwi. Kinakabahan pa akong tawagan ito pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Tinawagan ko ang numero. Ilang sandali pa bago siya sumagot. “Who is this?” tanong ng lalaki sa kabilang linya. “Uhm…” Ngayong sumagot siya, hindi ko naman alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya! “I’m hanging up this call—” “Wait, Mr. Landaverde,” sabi ko, mas naging desidido sa mga gustong gawin. “Ako iyong babae na binigyan mo ng business card mo noong nakaraan. Natapunan ko ng kape iyong kasama mong babae. Natatandaan mo pa ba?” Paano kung hindi niya na natatandaan? Sa rami ng taong nakikita niya araw-araw, malamang ay nakalimutan niya na ako. “Of course. Will I ever forget a pretty lady like you? So, why did you call? Want to hang out with me?” Parang nanunuyo ang aking lalamunan sa sinabi niya. Kinuyom ko ang kamao ko at sinabi sa sarili na wala akong mapupuntahan kung pangungunahan ng hiya. “Itatanong ko lang po kung pwede tayong magkita?” “Bold. I like that. Saang hotel mo ba gusto?” Hotel? Geez, iba nga ang nasa isipan niya! “Sa restaurant lang sana. M-May gusto lang akong sabihin. Kung pwede lang naman.” “Hmm… what’s your name again?” “Thamia. Thamia Buenaventura.” Sandali siyang tumahimik. Siguro ay nag-iisip. “You know, Thamia. I am not someone who goes on date. But since you asked me and sounded so desperate, I’ll give an exception. I’ll be the one to decide where. Wait for my text. I’ll send you the details.” Matapos niyang sabihin iyon ay tinapos niya na ang tawag. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano. That’s great. I will try my luck. Titingnan ko kung magagawa kong makakuha ng trabaho sa kanya. Nasa labas ako ngayon ng isang mamahaling restaurant. Inisip ko pa na baka mali ako ng lugar na pinuntahan. Tiningnan ko ulit ang message ni Miguel sa akin at dito mismo ang eksaktong lugar. Pumasok ako sa loob at may bumati sa akin. “Do you have a reservation, Miss?” “Uhm, I’m with Miguel Landaverde.” May kakaibang ekspresyon ang gumuhit sa kanyang mga mata, tila nagulat. “Yes, Miss. Follow me.” Sinundan ko ang lalaki at dinala ako sa isang private room. Nanlaki ang mga mata ko. “Nasa loob na po si Mr. Landaverde at hinihintay kayo.” Binuksan niya ang pinto para sa akin at iniyuko ang kanyang ulo. Kinuha ko ang lahat ng lakas ng loob na pwede kong makuha bago pumasok sa loob ng silid. Sa gitnang bahagi, may nakita akong table. Nagsimulang tumugtog ng musika ang mga taong may mga instruments sa hindi kalayuan. “Welcome!” Napatingin muli ako sa gitnang bahagi. Nakita ko roon na nakaupo si Miguel. Nanlalamig ang kamay ko at kinabahan talaga ako. Parang may sumasakal sa aking leeg dahil sa nararamdaman ko. “Please, come.” Nilagok ko ang kabang nararamdaman at dahan-dahan na naglakad papalapit sa kanya. Tumayo siya na ikinagulat ko. Hinila niya ang isang silya at iginaya ako papaupo roon. “Have a seat.” Tahimik akong umupo. Kahit ang magpasalamat sa gesture niya ay nakalimutan ko nang gawin. Nakayuko ako. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Ano ba itong pinasok ko? Gusto ko lang naman magkatrabaho. “I was actually surprised that you called me.” May sinenyasan siya at may lumapit na waiter sa amin. Sinalingan siya ng wine and he expertly observed and sniffed the wine. Nang magustuhan niya ay nagsalin ang waiter sa wine glass. “Please, give some wine to the pretty lady.” Pinamumulahan talaga ako ng pisngi sa tuwing tinatawag niya akong pretty lady. Hindi ako sanay dahil wala naman akong confidence sa mukha ko. “Thank you.” Nagpasalamat ako sa waiter nang bigyan niya ako ng wine. Nararamdaman ko na may nanunuod sa bawat galaw ko. Naglakas loob akong magtaas ng tingin sa kanya at naabutan ko ngang nakatingin si Mr. Landaverde sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya’t napayuko ulit ako. “Let’s eat. I’m a little famished.” Gutom ako bago pumunta rito, pero dahil sa kaba ko ay parang nawawalan na ako ng gana. Huminga ako nang malalim at sinubukan na kumain. Nang maamoy ko ang pagkain, doon ko mas naramdaman ang gutom. “So, what do you want to talk about, Miss Thamia?” Nawala sa isipan ko sandali ang dahilan ng pagpunta ko rito dahil sa sarap ng pagkain. “Ah, about that…” Kinagat ko ulit ang labi ko. “Hindi ba at ikaw ang CEO ng Landaverde Group of Companies?” Nanliit ang mga mata niya pero nanatili ang ngiti sa labi niya. “Uh-huh,” sagot nito. “Alam ko na wala ako sa posisyon na magsabi ng pabor sa ‘yo, Mr. Landaverde, pero desperado lang talaga ako. Kailangan ko po ng trabaho. Baka…baka lang may bakanteng posisyon sa kompanya ninyo.” Silence. Alam mo ang nakakatakot bukod sa madilim na lugar? Iyong biglang tila tumahimik ang kapaligiran mo. Sa gitna ng katahimikan ay narinig ko ang pagtawa ni Mr. Landaverde. “You are really a direct lady, aren’t you?” Tumigil siya sa pagtawa. “Unfortunately, this is not the place to hire someone—” “Please, nagmamakaawa po ako. Kailangan ko ng trabaho. Kahit anong trabaho ay tatanggapin ko.” Sandali ulit siyang natahimik. Ipinikit ko ang mga mata ko. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. “Kahit ano?” Nagtaas ako ng tingin sa kanya at tumango-tango. “Opo. Kahit ano. Marunong akong magluto, maglaba, o kahit ano pang trabaho. Sisikapin kong pag-aralan ang maibibigay na trabaho para lang maging kuwalipikado sa posisyon, Sir.” Mabilis ang aking pagsasalita na maging ako ay hindi ko alam kung naintindihan niya ba. Nagbago ang ngiti niya. Kinilabutan ako roon. “Come to think of it. I have a vacant position for you. Tatanggapin mo ba?” Pinagsalikop niya ang kamay niya at ipinatong doon ang kanyang baba. Tumango ako. Kahit anong trabaho ay gagawin ko at kakayanin ko. “Are you sure?” “Opo! Kahit ano pa ‘yan!” Tinitigan niya pa ako sandali, akala mo ay pinag-aaralan ako. Maya-maya pa ay sumandal siya sa kanyang silya. “Okay, I am hiring you.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. “Talaga po? Thank you!” Ikiniling niya ang ulo niya habang pinagmamasdan ako. “Hindi mo man lang ba itatanong kung anong trabaho iyon?” Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung anong trabaho ba ang dapat kong ikatakot. I mean, napagdaanan ko na lahat sa kulungan. “A-Ano?” Ngumisi si Mr. Landaverde at may kakaiba na naman na emosyon sa kanyang mga mata. Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan. “The job is to be…my babymaker.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD