KABANATA 3: 20 MILLION

2310 Words
Thamia TAMA ba ang aking narinig? Parang nag-loading ang utak ko dahil sa sinabi niya. “Huh?” Matapos niyang sabihin kung anong trabaho ang i-o-offer niya sa akin, parang hindi nagrehistro ang mga salita sa akin. “Babymaker. You know, like surrogacy. I need someone who can carry my child—an heir for the Landaverde Conglomerate. After that, I’ll pay you your desired amount of money. Just name it.” May ganoong trabaho pala? Aware naman ako sa surrogacy pero ngayong naririnig ko siya mismo, parang hindi ako makapaniwala. “Hindi kita pipilitin, but that’s the only job I can offer you. You already agreed to me earlier. Sana hindi mo bawiin. Malaki ang ibibigay kong pera pagkatapos ng kontrata at kapag nabigyan mo ako ng anak.” Nanunuyo ang aking lalamunan at hindi ko alam kung gusto ko bang maging trabaho ‘yon. Kaya lang…malaki ang pera na makukuha ko. Sa sitwasyon na mayroon ako, hindi ako makakakuha nang matinong trabaho. Ipinikit ko ang aking mga mata. I have no other choice. I am in a tight position right now. Para bang narinig ko ang lahat ng rejections sa mga trabahong ina-apply-an ko nitong nakaraan. Nang magmulat ako ng mga mata, tiningnan ko si Mr. Landaverde nang diretso. “Fine,” sabi ko. Kumapit ako sa suot kong pants. “Tinatanggap ko ang trabaho na ibinibigay mo sa akin.” Alam ko na patalim ang kinapitan ko nang tanggapin ko iyon, pero wala na akong choice. Kahit gusto kong maghanap ng ibang trabaho, alam ko na malaki ang chance na i-reject lang ulit ako dahil may mas magaling na ibang aplikante kaysa sa isang ex-convict na kagaya ko—though, I was acquitted. Parati na nilang makikita ang krimen na hindi ko naman ginawa, kakabit ng pangalan ko. Ngumiti si Miguel at nakita ko na naman ang talim ng ekspresyon niya. May parte sa akin na sinasabing tumakbo na ako habang maaga pa dahil ang kagayang lalaki ni Mr. Landaverde ay hindi dapat pinagkakatiwalaan. But I choose to trust him. “Tinatanggap ko ang trabaho, pero kailangan ko ng malaking halaga. After all, hindi lang basta kung ano ang kapalit nito.” “Name your price,” sabi ni Mr. Landaverde. Inisip kong mabuti kung magkano ang perang kakailanganin ko. Huminga ako nang malalim bago magsalita. “20 million pesos.” Alam ko na masyadong malaking halaga iyon, pero bata naman ang hinihingi niya. Malaking sakripisyo rin ang gagawin ko. Siguro naman sapat na ang 20 million para rito sa gagawin ko. “20 million if you give me an heir. An additional 20 million if you can give me a son.” Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Para na namang nag-loading ang utak ko roon. “What I mean is…20 million kung babaeng anak ang maibibigay mo sa akin. But if miraculously, lalaki ang maibigay mong anak sa akin, I will give you another 20 million. A total of 40. How about that?” Malaking halaga na ‘yon! Makakapagsimula na ako ng bagong buhay sa pera na iyon at makakapag-aral na rin! “Deal, Mr. Landaverde.” Ngumiti siya sa akin. “Miguel is fine, or Migo. I don’t mind. You can cut the formalities.” Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at pinagkrus ang kanyang tuhod. “I will prepare the contract. We should meet again soon.” Tumango ako sa kanya. Nagpatuloy kami sa pagkain pero hindi ko na ata malasahan ang pagkain dahil lumilipad ang aking isipan. Tama ba itong pinasok ko? May nagsasabi sa akin na hindi dapat ako pumayag pero…saan ka naman makakakita ng trabaho na babayaran ka ng 20 million? “Maraming salamat po sa dinner, Mr. Landaverde. Mauuna na po akong umuwi.” “I told you to cut the formalities. Saan ka ba uuwi? I can drive you home.” Mabilis akong tumanggi sa alok niya. “Nako, hindi na po. Nakakahiya naman. Magk-commute na lang po ako.” May isang magandang sasakyan ang pumarada sa harapan namin. Binuksan ni Miguel ang backseat at tumingin sa akin. “Hop in. Ihahatid na kita.” Wala na akong nagawa. Pumasok ako sa loob ng kotse at hinayaan siyang ihatid ako sa bahay. “Diyan na lang sa tabi.” Tumigil ang kotse sa labas ng bahay namin. Wala nang masyadong tao sa paligid dahil medyo gabi na rin. Napatingin ako sa bahay nina Kiel, mukhang tulog na rin sila. “Maraming salamat sa paghatid.” Medyo nahihiya pa ako sa kanya kaya’t hindi ako makatingin ng diretso. Lumabas ako ng kotse at naglakad na papunta ng gate. “Miss Buenaventura.” Tumigil ako sa aking ginagawa at tumingin kay Miguel. Nakababa ang bintana ng kotse niya. “I saved your number. I will call you soon to discuss the details. Don’t tell anyone about this.” Tumango lang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Ngumiti ulit siya sa akin. Siguro ay marami siyang nadadala at nakukuha sa mga ngiti niyang ‘yon. “Alright. Good night.” “Mag-ingat po kayo sa byahe.” Itinaas niya na ulit ang bintana at umalis na ang kotse. Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis ito. Pagpasok ko ng bahay, isinalpak ko ang sarili sa sofa at tumulala roon ng ilang sandali. Iniisip kong mabuti ang mga nangyari. Tama ba ang naging desisyon ko? Ayoko rin namang umatras. 20 million ang kapalit ng pagbibigay ko sa kanya ng anak. Hindi ko alam kung gulo ba itong pinapasok ko pero hindi na ako aatras pa. Para sa kinabukasan ko at pagbabago ko ng identity. Naglakad ako sa banyo at naglinis ng katawan. Nagbihis ako at nahiga ako sa kama. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hinigit ako ng antok at nakatulog. Hanggang panaginip ay dinalaw ako ni Miguel at ng mga pinag-usapan namin kanina. Ilang araw na simula nang magkausap kami ni Miguel Landaverde at hanggang ngayon ay hindi pa niya ako ulit tinatawagan. Iniisip ko na lang na baka busy siya o inaayos niya pa ang mga detalye na nakapaloob sa aming kontrata. “Thamia?” Kakagaling ko lang sa palengke. Malapit nang maubos ang savings na naipon ko bago pa man ako makulong noon. Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ang pinanggalingan nito. “Oh, my god! It’s really you, Tamie!” Hindi pa ako nakakapag-react ay agad niya na akong dinambahan. Niyakap ako ng babae. “S-Sandali lang—” Lumayo siya sa akin at malawak na ngumiti. “Ako ito, si Amelie!” Nanlaki ang aking mga mata lalo na nang mamukhaan ko nga ang babae. “Amelie!” Niyakap niya ulit ako at umiyak pa habang ginagawa iyon. “I missed you! May oras ka ba ngayon? Tara at kumain muna. My treat! Marami akong gustong pag-usapan nating dalawa.” Hindi ako nakaangal sa kanya. Si Amelie ay best friend ko. Naging magkaibigan kaming dalawa noong high school kami. “Wait, tatawagan ko si Bern! Paniguradong matutuwa ‘yon.” Napangiti ako habang abala siya sa pag-contact sa isa pa naming kaibigan. Si Bern naman ay isa ring malapit na kaibigan namin. Naging magkakaibagan kami noong high school. Pumasok kami sa isang kainan. Tuwang-tuwa si Amelie na hindi niya magawang bitawan ako. Naupo kami at hinintay ang isang kaibigan namin na dumating. “Mga bakla!” Narinig ko ang pamilyar na boses ni Bern. Gulat na gulat siya nang makita rin ako. “Thamia! Dios ko po, buhay ka pa nga talaga!” Niyakap ako ng kaibigan ko. Hindi ako makapag-react dahil mas nauunahan nila ako. Bern is gay, at sobra siyang loyal sa mga kaibigan niya. Mahal na mahal din namin siya ni Amelie. “Buhay pa ako,” sabi ko. Hindi ko mapigilang mapangiti. Akala ko ay hindi ko na sila makikita dahil sa lahat ng nangyari. Nang kumalma ang dalawang kaibigan ko, nag-order na muna kami. Habang hinihintay na dumating ang mga pagkain, panay ang bato nila ng mga tanong sa akin. “Saan ka ba nagpunta?! Panay ang dalaw namin sa bahay ninyo. Isang araw, bigla ka na lang nawala. Plano nating sabay-sabay na magkolehiyo, hindi ba? Anong nangyari, ‘te? Kahit si Kiel ay wala namang sinabi sa amin kung nasaan ka! Alam namin na alam ng lalaking iyon ang kinaroroonan mo noon, pero ayaw niya lang sabihin,” sunod-sunod na sabi ni Bern. “Oo, akala namin inabandona mo na kami.” Nalungkot ako nang mapansin ang malungkot nilang ekspresyon. “Lumipat daw kayo ng bahay ng mama mo. Buti nakabalik na kayo rito. For good na ba?” Kinagat ko ang labi ko. Hindi nila alam ang tungkol sa pagkakakulong ko. Siguro dahil na rin itinago ni Kiel iyon sa kanila. “Actually…” Nahihiya ako. Hindi ko ata kayang sabihin. Paano kung mag-iba ang tingin nila sa akin? Kaya lang, ayoko ring maglihim sa kanila. Ilang taon ko silang pinagkaitan ng katotohanan ganoong mga kaibigan ko sila. “Ang totoo niyan, hindi kami lumipat ni Mama ng bahay.” Kinagat ko ang labi ko. Kinakapa ko pa ang mga salita ko dahil hindi ko talaga alam paano ko sasabihin sa kanila. Ayoko rin na sa iba pa nila malaman. Alam ko na masasaktan ko sila. “Nakulong ako.” Katahimikan ang bumalot sa amin matapos ko ‘yong sabihin. Napayuko ako. Parang hindi ko sila kayang tingnan. Isa ang pagkakakulong ko sa gusto kong kalimutan at burahin sa buhay ko. “W-What…?” “Nakulong ako, apat na taon na ang nakakaraan. Kaya ako biglang nawala,” pagpapatuloy ko sa sinabi ko kanina. “Thamia…” Naglakas ako ng loob na tumingin sa kanila. Pilit akong ngumiti. Inaasahan ko na rin na iba na ang magiging tingin nila sa akin. “Nakalaya naman ako makalipas ang ilang taon. Na-acquit ako dahil bukod sa bahay nakuha ang murder weapon, wala namang ibang makitang ebidensya laban sa akin. Hindi rin fingerprint ko ang nakuha sa murder weapon.” “M-Murder?” Nanlaki ang kanilang mga mata. Tumango ako sa kanila at hindi na rin naman iyon itinanggi pa. “Oo, pero wala talaga akong ginawa. Naiintindihan ko rin kung mag-iiba ang tingin ninyo sa akin.” “Ha? Bakit naman mag-iiba ang tingin namin sa ‘yo?” Tumayo sina Bern at Amelie para makalapit sa akin. “Gaga ka! Nag-alala nga kami sa ‘yo! Hindi namin akalain na nakulong ka. Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin? Sana man lang nadalaw ka namin ni Amelie at sana ay natulungan ka namin.” Tumango si Amelie sa sinabi ni Bern. Medyo naluluha ang dalawang kaibigan ko. Isang reaksyon na hindi ko inaasahang makita. “Akala talaga namin umalis ka nang ‘di nagsasabi sa amin. Hindi mo sinabi na may ganyang pinagdaanan ka. Sana man lang nasa tabi mo kami at lumaban kasama mo.” Nakaramdam din ako ng pagiging emosyonal. Para bang gusto kong umiyak. Ganito pala ang pakiramdam na may mag-comfort sa ‘yo? Halos makalimutan ko na sa loob ng apat na taon. “S-Sorry. Ayoko na kasing madamay pa kayo o maging problema ninyo pa ang problema ko. Pasensya na kayo. Gulong-gulo rin kasi ako nang mga oras na ‘yon.” Naramdaman ko ang pagyakap nila sa akin. Hindi ko mapigilan ang magalak na kahit anong nangyari sa akin, kaibigan ko pa rin sila. Nang kumalma ang mga nararamdaman namin, nagpatuloy kami sa kwentuhan habang kumakain. “Grabe pala! Sobrang naging matagal ‘yong kaso.” Tumango ako. “Ayaw kasing makipag-settle ng pamilya ng namatayan at gusto nilang makuha ang hustisya. Buti na lang din talaga, not guilty ako. Naging matagal nga lang ang proseso.” Tumahimik ulit kami hanggang sa magsalita si Bern. “Mabuti pa at huwag na natin pag-usapan. I’m sure, mahirap para kay Tamie ang mga pangyayari. Masaya kami na nakita ka ulit namin, girl.” Ngumiti ako sa kanila. Masaya rin ako na nakita ko ulit sila. “Eh paano ‘yan? Mag-aaral ka na ba ulit?” Nagkibit-balikat ako. “Sa ngayon ay priority kong makahanap ng trabaho. Kapag may ipon na siguro, tsaka ako mag-aaral ulit.” Tumango sila sa akin. Mukhang sinusuportahan ang desisyon ko. Natapos ang oras namin na magkakasama. Nagpaalam na ako sa kanila. “Magkita-kita ulit tayo!” sabi ni Amelie. “Ang lalapit lang ng bahay natin, ah? Baka naman ang susunod na pagkikita natin ay next year pa! Huwag naman.” Natawa ako sa komento ni Bern. Tumango ako sa kanila. “Sa susunod ulit.” Naglakad na ako papauwi. Habang naglalakad ay nag-vibrate ang aking phone. Tumigil ako sa paglalakad para makita kung sino ang tumatawag. Miguel Landaverde… Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan niya. “Hello?” Nakakaramdam na naman ako ng kaba. Hindi ko ba alam pero kinakabahan talaga ako sa kanya. “Hi, Thamia. I finalized our contract. Let’s meet again. Is Saturday okay with you?” Saturday? Wala naman akong ibang plano no’n. “Oo, okay lang. Saan tayo magkikita?” “Good. I will let my driver fetch you. 10 am, sharp,” sabi ni Miguel sa akin. “O-Okay.” Kahit hindi ko siya nakikita, pakiramdam ko ay ngumisi siya. “Alright, then. See you on Saturday, Thamia.” Nagtaasan ang balahibo ko nang tinawag niya ang pangalan ko. There’s something about Miguel Landaverde that makes me believe he’s a dangerous individual, yet at the same time, he has a certain magnetism that draws people in. Saturday. Magkikita kami sa Sabado, at alam ko na pagdating ng araw na ‘yon, wala nang atrasan ang pinasok ko. Napakapit ako sa tiyan ko. Dadalhin ko ang anak na gusto niya, and I will receive a huge compensation. Sa ngayon, iyon lang muna ang mahalaga sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD