Part 4

343 Words
Kinabukasan. Maagang nagising si Hans para pumasok, kakausapin niya kasi si Rein. Alam niya kasing maaga rin itong pumapasok kaya ito na siguro ang pagkakataon niya. Kukulitin niya si Rein para pumayag siyang tulungan si Hans na mapalapit kay Tracy. Tama nga ang kaniyang hinala dahil kasunuran niya lang ito sa pagdating sa eskwelahan. "Rein." Napatingin naman sa kaniya si Rein, nagtatanong kung anong ginagawa nito sa kaniyang harapan. "Puwede ka bang makausap?" "Ayoko!" may diin na sabi ni Rein sa kaniya. "Tungkol kahapon." Tinignan naman ni Rein si Hans ng masama. Sa katunayan nakukuha niya na ang gusto niya, napapansin na siya ni Hans at wala na siyang dahilan para kausapin ito. Pero nang may pumasok sa isip niya na gusto niyang ipagawa kay Hans, bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. "Let's have a deal." "Deal?" "Tutulungan kitang mapalapit kay Tracy, pero sa isang condition!" "Anything, ano ba 'yon?" "Be my slave." Nakakalokong ngiti na naman ang pinakawalan ni Rein. Alam niyang sa pagkakataon na ito ay hindi papayag si Hans sa kagustuhan niya at tuluyan na siyang hindi kukulitin nito na mapalapit sa kaibigan niya. "Deal." Mabilis siyang napatingin kay Hans dahil sa sagot nito. Hindi siya makapaniwala na napapayag niya ito. "Bakit ka pumayag?" nagtatakang tanong naman ni Rein. Gusto niya kasing inisin lang si Hans, pero hindi niya malaman ang dahilan kung bakit ito pumayag sa deal niya. Isang biro lang naman kasi talaga 'yon. "Dapat ba hindi?" nagtataka ring tanong ni Hans 'saka naman ang pagtango ni Rein. "Dapat kasi hindi ka papayag, ang hirap kaya ng kapalit." "Why not? Kung para kay Tracy ay gagawin ko," nakangiti naman nitong sagot.. "Psh! Pathetic," mahinang sabi ni Rein at umupo na sa kaniyang upuan. "Let's start the deal on Monday. Walang akong time ngayon, masyado akong tinatamad." "So puwede na lang magtanong? Anong favorite color ni Tracy?" "Pink." "Favorite flower?" "Sampaguita." Tinignan naman siya ni Hans na nagtatanong. "What? E, sa iyon ang paborito niya. May tanong ka pa ba?" Umiling naman ito bilang sagot at bumalik na sa kaniyang silya. Napailing si Rein sa sarili. Masyadong paiba-iba ng personality ang pinapakita ni Hans ngayon, ibang-iba sa normal niyang reaction. Pagkatapos ng usapan ay isa-isa naman ang pagpasok ng kanilang mga kaklase at ilang minuto ang nakalipas ay nagsimula na rin ang klase. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD