Part 5

551 Words
Monday. Na-late ng gising si Rein kaya dali-dali siyang bumangon at nag-ayos para sa kaniyang sarili. Masyado siyang napuyat sa pagbabasa kagabi. Nang pagdating niya sa school ay dali-dali naman siyang naglakad papunta sa classroom, pero dahil nahirapan siyang makapasok dahil ang daming estudyante na nagkukumpulan na parang may pinapanood na live show ay nakisiksik ito, pero hindi niya napansin na nasa gitna na pala siya. Nakita niya si Hans na naka-all pink at may hawak na sampaguita.  Napatawa siya sa kaniyang sarili. Hindi niya alam na ganito pala ang gagawin niya. Napatingin naman siya sa nakasabit na cardboard sa kaniyang harapan. "Can I court you, Tracy?" Mas lalo pa siyang natawa. Hindi niya alam na pinagtitinginan na pala siya pati na rin si Hans ay nakatingin sa kaniya, kaya napatigil siya. "Hi Rein." Nagulat man siya ay nakabawi rin. Katabi niya pala ang kaniyang kaibigan na si Tracy, na sobra kung makangiti. Tinignan niya lang ito, pagkatapos ng batian ay siyang paglapit naman ni Tracy kay Hans. Hate na hate ni Tracy ang pink at ayaw niya ng Sampaguita. Pero hindi niya malaman kung bakit tinanggap ni Tracy 'yong bulaklak na binigay ni Hans sa kaniya. Samantalang may allergy siya roon. Mabilis na lumapit si Rein at inagaw 'yong bulaklak, tinapon niya iyon sa basurahan na malapit sa kanila. Nabigla naman ang mga manonood, pati na rin sila Tracy at Hans sa ginawa ni Rein. Hindi nila lubos maisip kung bakit niya ginawa iyon. Mabilis na umalis si Rein at pumunta sa classroom. Bakit ba kasi siya naiinis? Wala naman siyang karapatan. Naiinis ba siya dahil tinanggap ni Tracy 'yon, kahit may allergy siya o naiinis siya dahil ang tanga ni Hans at ginawa ang mga bagay na 'yon? Ang akala niya kasi ay lalayuan ni Tracy si Hans, pero sa halip na layuan ay kinuha niya pa ang mga bulaklak ng nakangiti. So ibig sabihin, pumapayag siya na ligawan ni Hans? Samantalang hindi pa nga mag-iisang buwan na magkakilala silang dalawa. Imbis na pumasok si Rein ay pumunta siya sa rooftop nitong building at doon nag-isip. Pero hindi niya alam na sinundan pala siya ni Hans. "Mali ang ibinigay mong impormasyon!" may galit sa boses na pagkakasabi ni Hans. Tinignan lamang ito ni Rein. Alam niyang sa sarili niya na mali ang ginawa niya, pero ginawa niya 'yon para layuan siya ng kaibigan niya at hindi para ipahiya siya. "Alam ko, ako nga ang nagsabi 'di ba?" mataray nitong sagot. "Bakit mo ginawa 'yon?" "Bakit nga ba? Mag-isip ka." Matagal na katahimikan bago muling nagsalita si Rein. "Dahil gusto kong layuan ka ng kaibigan ko, galit siya sa mga taong binibigyan siya ng bagay na ipapahamak niya, pero hindi ko makita ang dahilan kung bakit tinanggap niya 'yon. Bakit nga ba Hans? Ano bang nakikita niya sa'yo? Wala naman 'di ba?" Napatahimik si Hans sa sinabi ni Rein, ramdam niyang ayaw niya lang masaktan ang kaibigan niya. "Makinig ka Rein, kung iniisip mo na sasaktan ko ang kaibigan mo, nagkakamali ka. Niligawan ko siya dahil gusto ko siya at sana maisip mo na hindi ito kalokohan lang. Alam kong may galit ka sa akin pero sana naman huwag kang magpahamak ng ibang tao." Napatingin si Rein kay Hans, alam niyang seryoso ito. Pero bakit may parte sa sarili niya na ayaw nitong maniwala. "Sana lang Hans. Sana lang huwag mong lokohin ang kaibigan ko dahil sa oras na gawin mo 'yon. Malalaman mo kung ano ang kaya kong gawin sa'yo." "Makakaasa ka." Tinanguan lamang ito ni Hans 'saka umalis. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD