Huling araw bago mag-sembreak.
Laging magkakasama ang magkakaibigan pero alam nilang may naiba. Hindi na kasi ganoon kaingay si Rein. Tahimik lang ito sa tuwing mag-uusap silang magkakaibigan, 'yong tipong para sa kaniya ay siya lang ang mag-isa. Ngiti lang ang tanging sagot nito kapag kinakausap siya.
Iyong relasyon nila Hans at Tracy. Ayon! Hanggang ngayon ay sila pa rin. Super sweet sa isa't isa na tipong pati asin lalanggamin na.
Si Desiree naman ang madalas na kasama ni Rein. Alam ni Desiree 'yong dahilan kung bakit nag-iba si Rein. Dahil kapag silang dalawa lang ang magkasama. Bigla-bigla na lang luluha si Rein na walang dahilan. Nasasaktan siya para sa kaibigan niya. Pero wala siyang magawa dahil kapag tinulungan niya si Rein, 'yong isang kaibigan naman niya ang masasaktan.
Huling araw na nila at wala na silang klase. Dahil tapos na ang first semester nila. Bakasyon na nila sa mga susunod na araw kaya nagyaya si Tracy na mag-party. Sa bahay nila Tracy sila nag-celebrate kasi wala roon ang mga magulang nito, nasa abroad for business. Nagpag-pasyahan nilang sa swimming pool mag-party.
Sampu silang nandoon kasama si Rein, Tracy, Hans, Desiree at ang mga bago nilang kaibigan.
Masaya silang nagku-kwentuhan habang ang iba naman ay naliligo sa pool at may kaniya-kaniyang baon na kuwento. Hindi naman maipinta sa mukha ni Rein kung masaya ba ito o malungkot. Nagpalit sila ng ugali ni Hans. Si Rein na dating maingay, ngayon naman tahimik at parang walang reaksyon sa kaniyang paligid. Si Hans na tahimik at walang paki-alam ay nakiki-salamuha na sa iba. Ibang-iba na talaga.
Napatingin si Rein sa harapan niya nang makita ang magkasintahan na naglalambingan. Hindi lang pala tingin dahil hindi na ito natanggal. Nakatitig na siya.
May kumirot sa puso niya at konti na lang bubuhos na naman 'yong luha na kanina niya pa pinipigilan. Hindi niya kaya itong tagalan at baka bumigay siya. Kahit anong iwas niya ng tingin mas lalo niyang naiisip na iyong taong gusto niya ay may iba na.
"T-Tama na," mahinang bulong niya sa sarili niya na halos siya lang ang nakakarinig.
"Tama na please." May mga ilang lumingon sa kaniya kasama na ang kaniyang kaibigan na si Desiree, pero hindi pa rin siya napapansin ng dalawang nasa harapan niya. Sa pagkakataong ito inipon niya ang lahat ng natitirang lakas niya.
"Tama na!" malakas na sigaw niya kaya ang lahat ay napatigil sa kanilang ginagawa at napatingin kay Rein na nagtatanong.
"Hindi ko na kaya. Please, 'wag niyo namang gawin sa harapan ko 'yan."
"Anong sinasabi mo? Anong tama na?" Hindi alam ni Hans kung bakit ganoon na lang kung umasta si Rein. Napa-angat ng tingin si Rein at tinitigan sa mata si Hans.
"Ayan!" Sabay turo niya sa kanilang dalawa ni Tracy. Nabigla naman si Tracy sa inasta ng kaibigan.
"Puwede bang kung maglambingan kayo, huwag sa harapan ko!"
"Ano bang pinagsasabi mo? Dati naman ay okay tayo ah? Nakangiti ka pa nga kapag nakikita mo kaming dalawa ni Tracy. Ano bang nangyayari sa'yo?" naiinis na tanong ni Hans.
"N-Nasasaktan ako," nakayukong sabi ni Rein.
"N-Nagseselos ako."
"Nasasaktan? Nagseselos? Anong karapatan mo?!"
"Ayon na nga, e! Anong karapatan ko? Kasi nga 'di ba wala namang tayo? Huwag mo ako sisihin kung bakit ako nasasaktan. Kung bakit ako nagseselos. Dahil kahit kailan hindi 'yan naging karapatan. Feelings 'yan! Feelings 'yan na mahirap iwasan!"
"R-Rein," nag-aalalang tawag nila Hans, Tracy at Desiree. Halos lahat ng nakarinig ay nabigla sa sinabi ni Rein at tahimik na nagmamasid sa susunod na mangyayari.
"Sabi ko sa sarili ko kakayanin ko, kaso ang hirap pala. Ang hirap magpretend na wala lang lahat ng 'yon, kasi ang totoo nasasaktan talaga ako. Ayoko lang makita mo na nahihirapan na ako. Pero ngayon, sawang-sawa na akong ipagsiksikan ang sarili ko. Ipamukha sa sarili ko na okay lang. Na okay lang kahit ang totoo ang sakit sakit na. Ganoon naman talaga 'di ba? Pipiliin mong maging masaya 'yong taong mahal mo." Nag-uunahan ang pagtulo ng luha ni Rein. Pinunasan niya ito gamit ang likod ng kaniyang palad.
"Sinasabi mo ba na--" Hindi natuloy ni Hans ang kaniyang sasabihin nang sumabat si Desiree.
"Mahal ka ni Rein, Hans."
"P-Paano?" nagtatakang tanong niya.
"Paano? Isipin mo Hans, lahat ng ginawa mo sa akin. Lahat ng pagtulong at pag-aalaga mo sa akin."
"Pero akala ko naiintindihan mo 'yon? Akala ko ay okay ang lahat sa'yo. Alipin mo lang ako 'di ba? Kapalit ng pagtulong mo para maging malapit kami ni Tracy."
"Pero dahil doon kaya ako nahulog! Nahulog ako na hindi ko alam kung may sasalo ba sa akin o wala! Hulog na hulog na ako Hans at hindi ko na kaya pang bumangon." Pagkatapos sabihin ni Rein ang lahat ng 'yon ay siyang paghawak ni Tracy sa braso ni Hans.
"Sabihin na natin sa kaniya, please," nagmamaka-awang sabi ni Tracy. Napatingin naman sa kaniya si Rein.
"A-Anong sasabihin?" mahina nitong sabi, pero parang walang narinig 'yong dalawa.
"Anong sasabihin?! May tinatago ba kayo sa amin?!" malakas na sigaw niya.
"Rein kasi ganito 'yon, hindi talaga kami ni Hans. Isang malaking kalokohan ang pinapakita namin sa'yo, sa inyong lahat. P-Pinsan ko si Hans."
"A-Ano?"
"Lahat ng nangyayari kasama ang deal ay isang plano," pagsisimula ni Tracy, unti-unti ng gumagaralgal ang boses niya. Nakatingin naman sa kaniya ang lahat.
"Ang pag-transfer ni Hans ay kasama sa plano. Ang pagtulong niya na mapalapit kami at ang deal ay lahat ginusto at nasa plano. Ang paibigin at pagselosin ka ay nasa plano. Lahat ng nangyayari ngayon ay kasama lahat sa pagpaplano."
"All this time, pinagmukha niyo akong tanga? Pinagmukha niyo kaming tanga!" Mabilis na lumapit si Rein at sinampal ang kaniyang kaibigan. Nagulat ang lahat sa ginawa niya.
"Kaibigan kita Tracy, tapos ito ang gagawin mo? Ang magsinungaling sa akin? Ang lokohin ako at gawin akong tanga! How dare you?!" Akmang sasampalin ulit ni Rein si Tracy nang pigilan ito ni Hans.
"Ako ang saktan mo Rein. Ako ang may kasalanan at hindi ang pinsan ko. Ako ang nagplano nito at nadamay lang siya."
"Talagang may lakas ng loob ka pang gawin ito sa akin!" Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Hans.
Sampal ulit.
"Sa pang-gagago mo sa akin!"
Sampal ulit.
"Sa pang-loloko mo!"
Sampal.
"Sa pag-papainlove mo!"
Sampal.
"Sa paniniwala sa mga kalokohan mo!"
Sampal.
"Sa pagdamay mo sa best friend ko!"
Sampal.
"At sa mga kawalang-hiyaan mo!"
"Tapos ka na?" nakayukong sabi ni Hans. Halata ang pamumula ng pisngi nito dahil sa ginawa ni Rein sa kaniya. "Noong nasa elementary ka, magka-klase tayo. Lagi mo akong inaapi, pero wala akong mahanap maski anong dahilan kung bakit mo iyon ginagawa. Pinahiya mo ako sa klase. Pinag-mukha mo rin akong tanga!" Nagugulat na tumingin si Rein sa kaniya.
"Naalala mo na?" nakangisi nitong tanong.
"Noong dahil sa dare niyong magkakaibigan na halikan ako sa harap ng girlfriend ko. And guess what? Naghiwalay kami! Tanda mo na? Ngayon mo sabihin sa akin na wala akong karapatan para gawin ito lahat sa'yo!" Napatitig naman si Rein kay Hans at unti-unting nag-flash back ang lahat ng nangyari. Malaki ang pinagbago ni Hans, dahil ibang-iba ito noong mga nakaraan. Talagang naghanda siya para sa paghihiganti niya.
"S-sorry," mahinang usal ni Rein. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay mas nasasaktan si Hans ngayon.
"I'm so sorry," pag-uulit niya na naman.
"Hindi sapat ang sorry para mawala ang sakit ng nararamdaman ko noon. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hanggang ngayon pa rin pala ay talo ako. Talo ako dahil ako ang mas nasaktan sa matagal kong pagpa-plano para gawin ito sa'yo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Talo ako Rein dahil bago mo maramdaman 'yang nararamdaman mo, mas nauna ako. Mas nauna kitang nagustuhan, mas nauna kitang mahalin." Nag-uunahang tumulo ang mga luha ni Hans. "Akala ko kasi kaya kong gawin 'yon. Pero noong makita kitang nasasaktan, 'yong makita ang pagluha mo na ako ang dahilan. Ayon ang hindi ko kaya."
Para silang dalawa lang ni Hans at Rein ang nag-uusap ngayon. Dahil lahat ng tao ay tahimik at nakikinig sa kanila. Masyadong maraming impormasyon ang kanilang nakuha. Para silang nanonood ng palabas na silang dalawa ang bida. Masyadong masasakit ang mga binibitiwan nilang salita.
"Naiinis ako sa iyo! Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong p*******t ang gawin mo, nandito ako at mahal ka pa rin!"
"Hans?"
"Puwede pa ba Rein? Mag-umpisa ulit tayo sa umpisa. No more secret, no more lies and no more plans," mahinahong sabi ni Hans. Hinawakan naman ni Rein ang mga kamay ni Hans at hinaplos ang kaniyang pisngi.
"Mahal kita at kahit ilang beses mo akong saktan, patatawarin at patatawarin pa rin kita," nakangiti nitong sagot.
"Can I keep you?" tanong ni Hans sa kaniya.
"Ayon oh!"
"Aww si Lover boy."
"Sagutin na 'yan!"
"Ayieee!"
Asaran ng mga kaibigan nila. Nakangiti naman sila Tracy at Desiree habang nakatingin sa dalawa.
"Keep your eyes on me," nakangusong sabi ni Rein. Sinunod naman ito ni Hans.
"Ako lang dapat ha? Pag-untugin ko kayong dalawa kapag may iba ka." Tumango naman si Hans dito.
"Sure, ikaw lang, pa-kiss nga." Mabilis na hinarang ni Rein ang kamay niya sa mukha ni Hans.
"Bakit na naman?"
"Nahihiya ako, e!" Sabay nguso niya sa mga kaibigan na nakapalibot sa kanila.
"Sus! Hindi ka nga nahiya noong halikan mo ako sa harap ng ex-girlfriend ko," natatawang sagot nito.
"Hans naman e!"
"Hehe biro lang."
"I love you Rein, forever and ever."
"I love y--" Hindi natuloy ang sasabihin ni Rein nang nakawan siya ng halik ni Hans sa labi.
"Ayiee.. Lover's nga naman oh!" sigaw ni Desiree kaya nagsipagtawanan ang lahat kasama si Tracy na masayang nakatingin sa kanila.
"Party party!" sigaw ng lahat.
Itutuloy...