"MADAM, what's the problem? Why are you sending me back to the agency?"
Dulot ng pagkagulat ay iyon ang unang nanulas sa labi ni Magdalene. Halos isang taon na siya sa among nadatnan noong unang tapak niya sa bansang Saudi Arabia. At sa loob ng panahong iyon ay wala naman siyang matandaan na kamaling nagawa.
"I really like you, Magda, because you take care of my children as your own. But you can not stay with us anymore. That's the reason why I came here in your room to tell you that. Pack all your things now and when you are done with it, tell me so that I will take you personally in your agency," pahayag ng kaniyang amo.
Nais niyang magtanong. Dahil pakiramdam niya ay mayroong mali. Maaring hindi siya nakapag-aral sa kolehiyo pero alam naman niya ang tama at mali. Kaso sa naging pahayag ng amo niya ay nawalan na siya ng lakas upang mangatwiran.
"Don't worry, Magda. I will not mind of you will take all the things that I already gave you. I will also pack some biscuits and drinks for you to eat in the accommodation while you wait for new sponsor." Dinig pa niyang sabi nito.
Pero lahat ng iyon ay hindi na pumapasok sa kaniyang isipan. Dahil sa katunayan ay ayaw pa ring tanggapin ng pagkatao niyang isasauli siya ng amo.
'Panginoon ko, tulungan mo sana akong malampasan ang problemang ito.' Tahimik niyang panalangin.
Ganoon pa man ay sumunod siya sa utos ng amo. Dahil wala na rin naman siyang magagawa pa.
MAKALIPAS ng ilang sandali...
"Ma'am, ano raw po ba ang problema? Bakit daw ako ibinalik ng aking amo?" agad niyang tanong sa Pinay agent sa agency.
Kaso!
"Hah! Nagmamaang-maangan ka pa, Miss Falcon! Natural, kaya ka ibinalik ni Mrs Abdulrashid dahil sa katamaran mo!" sigaw ng nasa isang table.
Kaya naman ay napatingin siya rito. Subalit inunahan siya ng Pinay agent na kaharap.
"Huwag mo ng patulan, Magdalene. Sa katunayan ay wala rin akong kaalam-alam kung ano ang problema. Dahil last year noong pumarito ka hanggang ngayon ay sa araw na ito lang ulit nagpakita si Mrs Abdulrashid. Ang sabi niya ay ihanap ka ng panibagong sponsor," pahayag nito.
"Kung ganoon, Ma'am, bakit ganoon? Kung wala naman pala siyang sinabing rason kung bakit niya ako isinauli---"
"Imposible namang isasauli ka ng iyong amo kung wala kang kasalanan, Miss Falcon. Kung ako sa iyo ay doon ka sa mga among walang ipapagawa sa katulong nila. Upang kahit patulog-tulog, paupo-upo ka ay walang problema. Kaysa naman ibalik ka na naman ng panibagong amo na ibigay namin sa iyo!" Muli ay pamumutol ng kapwa kabayan na nasa kabilang lamesa.
Dahil dito ay si Miss Mimi o ang agent niya ang humarap sa sabad nang sabad.
"Miss Alma, kanina ka pa riyan ah. Ikaw ba ang kausap niya o ako? Natural na magtatanong siya dahil karapatan niyang alamin kung ano ang problema. Kung bakit siya ibinalik dito sa atin samantalang wala namang sinabi ang amo niya sa kaniya.
At isa pa, kaya nga tayo nandito sa ahensiyang ito upang alalayan ang bawat manggagawa na nanggagaling dito. Sige, sumagot ka pa at dumiretso na ako kay Big Boss upang sabihin sa kaniya ang ugali mong iyan. Magkakaila ka ba? Hindi mo ba nakikita ang mga cameras na nakapalibot dito? At higit sa lahat ay ang mga kapwa nating agents dito at ang mga sponsors na narito ngayon!"
Dahil na rin sa inis ni Miss Mimi sa kapwa ahente ay hindi na napigilan ang sariling sagutin ito. Ganoon pa man ay bumaling sa mga Saudis na kasalukuyang nandoon.
"I'm so sorry for the mess, everyone. It's just a misunderstanding. And don't worry because we will serve and give those maids that you are looking for." Paghingi niya ng paumanhin sa mga ito. Iyon nga lang ay sa salitang Arabic.
"Oh, no problem, Miss."
"Don't worry about us, Miss."
"You are just doing your job as an agent and representatives of your country."
Mga ilan lamang sa naging tugon ng mga sponsors na nandoon. Kaya naman ay labis-labis ang kaniyang pasasalamat.
Then...
"Ganito na lang, Magdalene. Sa ngayon ay doon ka muna sa likod upang makapagpahinga ka. May mga ibinalik din diyan. Dahil mamayang hapon pa tayo uuwi sa accommodation." Baling niya sa naguguluhang kabayan.
"Sige po, Ma'am. Pasensiya na rin po, Ma'am. Nang dahil sa akin ay nakipagsagutan ka---"
"Huwag mo ng isipin ang bagay na iyan, Magdalene. Sige na at may mga paparating na amo." Pamumutol niya rito.
'Masuwerte ka, Magdalene. Dahil si Mrs Abdulrashid ang naging amo mo. Maaring ayaw niyang ipaalam sa iyo kung ano ang dahilan at ibinalik ka. Subalit gusto ka naman niyang magkaroon ng panibahong employer,' aniya sa kaniyang isipan.
Samantalang tahimik lamang na sumunod si Magdalene sa ahenteng naghatid sa kaniya sa likuran o kung saan naroon ang nga kapwa niya ibinalik.
'Diyos ko, parang awa mo na, AMA. Bigyan mo ako ng lakas ng loob upang makaya ko ang lahat. Hindi ako maaring uuwi sa bansa. Dahil nag-aaral pa ang mga kapatid ko,' aniya sa sarili ng nakapuwesto siya.
"SAAN ka na naman pupunta, anak? Aba'y hindi pa umiinit ang puwet mo sa kabahayan ngunit aalis kang muli. What's the matter wrong with you?" Hindi na naitago ni Mrs Harden ang pagkainis sa anak.
"Mommy, huwag kang mag-alala. Dahil nasa tamang landas pa naman ako. At isa pa, ayaw mo ba iyon? Maghahanap ako ng mamanugangin n'yo ni Daddy sa akin," tugon nito.
"Daddy, ikaw na bahala kay Mother earth at ako ay mambabae muna baka may maiuwi akong magustuhan ng aking puso."
Baling pa nito sa amang hindi man lang hinintay na makasagot. Naging mabilisan ang kilos na wari'y nahulaan ang napipintong paglastigo nila.
"Mukhang kailangang ibahin natin ang paraan ng pagdisiplina sa anak natin, Hon. Noon ay si Aries Dale dahil may asawa ang kinahuhumalingan subalit sa huli ay sila pala ang itinakda. Itong Jovanni Kurt ay ang inakala nating simpleng pagpapalit-palit ng kasintahan ay malala pala. Ano pa ang kasunod? Kailanman ay wala akong nilokong babae kahit nagkahiwalay tayo ng halos pitong taon."
Nakatanaw sa daang tinahak ng anak na pahayag ni Brian Christoph.
Kaso!
Napalingon silang mag-asawa sa pintuan ng biglang may nagsalita!