"GANYAN nga, Magdalene. Gumapang ka. iyan ang nababagay sa tulad mong p*ta."
"B!tch! Ang sabi ko ay paligayahin mo ako! Hindi ko sinabing mag-inarte ka sa harapan ko. Now, move and act as a proper GRO in this club!"
"P*nyeta! Isa kang bayaran kaya't wala kang karapatang tumanggi sa anumang sabihin at iyutos sa iyo ng tulad kong nagbayad ng malaki upang maikama kang p●ta ka!"
Mga ilan lamang sa araw-araw o mas tamang sabihing gabi-gabing naririnig ni Magdalene Falcon sa isang sikat na club sa Ermita.
Tama naman sila. Ginusto niya iyon kaya't kailangan niyang panindigan.
'Mga hay*p at matakaw sa laman! Makikita n'yo! Isinusumpa ko ang mga tulad ninyong hayok sa laman!' Wala na rin siyang magawa kundi ang napapamura.
"HINDI na ikaw ang pinalaki kong tao, anak. Sa ginagawa mong iyan ay mas malala ka na sa Kuya mong sinabihan mong marami ng bulb*l kaya't alam na ang ginagawa. Kailan mo ba ibabalik ang dating Jovanni Kurt, Hijo?"
"Mommy, ako na po ang nagsasabing wala akong dapat baguhin. Huwag mo akong alalahanin dahil mas malakas pa ako sa mga kalabaw sa bukid."
"Ano ba?! Kapag ako ang tuluyang magalit sa iyo ay kahit Mommy ninyo ay hindi ako mapigilan. Talagang makakatikim ka sa akin oras na hindi ka nagtino! Araw-araw na lang na may paiba-ibang babae na pumaparito. May dala-dalang sanggol at sinasabing anak mo!"
"Huh! Daddy, hayaan mo silang magpakapagod sa kakahabol. Dahil wala sa kanila ang magdadala sa apelyido natin. Ibig sabihin ay kahit isa sa mga sanggol na dinala nila rito ay hindi akin."