IV. Unang kilala

1418 Words
Lumipas ang gabi, sasakay pa lang si Alex sa motor niya nang sa malayuan ay nakita kaagad niya ang kasintahan. Lumapit ito sa kaniya na may kakaibang pinta sa mukha. "Alex, I'm here kasi gusto ko sana humiram ng pera. Hindi pa kasi nagpapadala ang papa ko sa abroad. Kung pupuwede bayaran mo electricity at water bill namin?" paglambing ni Mae. "Sige, ito." Dumukot si Alex sa wallet ng pera. "Pagpasensyahan mo na 'to ha? Ito lang naipon ko," ani ni Alex. Galak na galak si Mae at niyakap si Alex. "Thanks talaga ha! Ang bait mong GF." Itinago ulit nito ang pera sa bra at hinalikan si Alex sa pisngi bago umalis, pero makalipas ang dalawang oras ay biglang tumakbo sina Steve at Alfred papunta kay Alex. "Alex! Halika, halika! Nakita ko si Mae, may kahalikan na lalaki. Doon pa sila sa tabi ng simbahan. Mga walang hiya!" sigaw ni Steve. "Sinasabi ko na nga ba! Ayan na naman! Pangalawa ka na niyang niloloko!" sabi ni Melo habang kinakamot ang ulo. Kaagad nag-jacket ng leather si Alex at nag-motor papunta sa sinasabi nina Alfred at Steve; pinasakay din niya ang dalawa. Pagkababa nila ay nagulat si Alex dahil totoo nga. Biglang sumugod siya sa dalawa. "Hoy tarantado! Girlfriend ko 'yang ka-date mo!" sigaw ni Alex kaya biglang tumayo ang lalaki. "Puwede ko naman kayo pagsabayin ah?" Nainis nang sobra si Alex kaya bigla niyang tinapakan ang lalaki sa paa at niyurakan ng malakas. "At ikaw naman! Akala ko nagbago ka na!? Pera pa rin ang habol mo sa akin! Lahat ng luho mo ibinigay ko!" sigaw ni Alex kay Mae saka niya ito itinulak na ikinatumba nito sa semento. Umalis si Alex na umiiyak. ~~~ Alex's POV Habang nagd-drive ako ng motorsiklo ay tila hindi ako makapaniwala sa pangalawang panloloko sa akin ni Mae. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit mas trip ko magmahal ng babae, pero ganoon talaga eh! Pinanganak akong babae pero may pusong lalaki. "Hindi ko gusto maging babae." Pagkarating ko sa bahay, kaagad akong dumiretso kay inay at kinuha ang bimpo para punasan ang buong katawan niya habang lumuluha ako. Napatitig sa akin si inay at hinawakan ang kamay ko. "Libangin mo ang arili mo. H'wag kang umiyak." Medyo nagulat ako dahil ulyanin siya, pero pagkalipas nang ilang segundo ay nagtanong ulit ito, "Sino ka ulit? Ano'ng ginagawa mo sa akin?" Pagkatapos kong punasan ay ipinahiga ko na siya at tuluyang pinatulog. Dumiretso ulit ako sa computer shop namin ni Melo. "Sorry kapatid, nabalitaan ko ang nangyari sa inyo ni Mae. Sana pala sinabihan kita nang maaga," sabi ni Melo. "Okay lang 'yon, Kuya ano ka ba. Wala na akong pakialam sa babaeng 'yon. Magsama sila," sagot ko. "Mang-troll ka na lang sa forum website; bawas problema na rin. H'wag mong pag-aksayahan ang babaeng 'yon. Maghanap ka ng bagay at kalimutan siya," hirit ni kuya Melo. Bigla kong binuksan ang computer at kaagad nag-log in sa anime forum. Nag-post na naman ako ng mga kalokohan na topic thread. Naging laro-laro na lang sa akin ang forum para mang-troll. Naisip ko ang panloloko sa akin ni Mae kaya in-open ko muna ang f*******: niya. Masaya ako na hindi pa niya ako ni-block, kaya kaagad kong ninakaw ang mga pictures niya. Lahat-lahat na parang gigil na gigil ako, saka ako nag-post doon sa anime website forum ng thread topic. Alex: Hey! I will now show you all my face. I'm a slut even no good English. Isinama ko ang picture ni Mae. Ikinagulat ko nang maraming foreigner na babae at lalake ang natuwa kasi sexy at maganda raw ako. Hindi ko naman maikakaila na sexy at maganda si Mae kaya nga ako sa kaniya nagkagusto. Malaki ang mata, medyo morena, at maikli ang buhok. "I know that's not you! Because you're a troll." Marami pa ring ayaw maniwala na poster na hindi raw ako 'yon kasi mukhang disente raw ang hitsura ni Mae. Hanggang sa pinagtanggol na naman ako ni Zoro na hindi raw ako nagsisinungaling. Nag-message ulit siya na tila gusto ng ka-chat kasi maiikli ang sinasabi sa private message. Zoro: Hey! you're pretty. I knew it. Ako: Arigato Senpai. Zoro: So you're a Filipina? I am half Filipino and my girlfriend is a Filipina too. Ikinagulat ko noong sinabi niya 'yon kaya napakamot ako sa ulo at natanong si kuya Melo, "Kuya Melo, pinoy pala 'tong si Zoro." "Ay oo nga pala, Alex, nakalimutan ko sabihin sa 'yo. Sumali ka sa isang fansclub group d'yan sa forum. May Filipino fans club d'yan. Marami kang makikilala na Pilipino ro'n na nagp-post. Sumali ako at nakita ko si Zoro," ani ni kuya Melo. Kaagad kong kinuha ang link at kaagad din akong nag-post. Gigil ako dahil at least may makakausap na ako na anime fan din na pinoy doon sa website forum, kaya pagkapasok na pagkapasok ko ay nag-post ulit ako mismo sa Filipino fans club ng thread topic. Alex: Mga kabayan! Musta? Walang pumansin at ang iba ay English pa rin ang salita. Alam mo 'yon? Nakakapikon! Filipino fansbclub nga pero puro naman sila englishero. Hirap sumingit at baka ma-out of place pa ako kaya natuluyan akong nagmura. Alex: Putang-ina naman! Bakit walang pumapansin sa akin dito? Post ko at bigla nila akong ni-report bago may nag-reply sa akin. Itachi: Shame on you that you're a Filipino. You're a big disgrace to our race. You can't even talk English and keep posting nonsense troll thread topics. Me and other people here despise you. Hanggang sa na-ban ako bigla ng two days dahil doon. Nakaiinis lang na ganoon sila sa kapwa nila pinoy sa forum. Mabuti nag-message na kaagad si Zoro at pinakalma ako. Palagi na lang siya ang sumasalo sa problema ko; siya lang yata ang kumakampi sa akin. Nakaiinis talaga at naaadik na ako mag-post sa anime forum habang tumatagal. Sikat na sikat din ang pangalan ko at matunog na sa lahat ng anime fan base sa buong mundo, pero as a troll nga lang; walang nagseseryoso maliban lang kay Zoro. Kaya pagka-unban ko ay nagpapansin na naman ako sa forum. Kaagad akong nag-post ng picture ni Mae na sinasabi ko na ako na naka-bikini para maglaway at mainis ang mga punyeta. Nagulat na lang ako nang medyo naging bastos ang post comment ni Zoro. Zoro: Oh! s**t! I blew my loads out of nowhere after seeing Alex's bikini. Nag-haha pa siya roon kaya ni reply-an ko. Alex: Let me shove your d**k into ur mouth til u swallow it. Nilagyan ko pa iyon ng smiley na naka-wink. Simula noon, hindi ko na siya nir-reply-an, nang nag-message muli siya. Zoro: Hey pretty. You're mad at me, Miss ganda? Ako: Ano sa palagay mo? Zoro: Why naman? Napangiti ako sa Tagalog-English niya. Ako: You're bastos. You know that. You're pervert Zoro: Oh dear! You need to be open minded when you enter anime world. This is how we joke and it's not insulting. It's normal. Ako: K Zoro: Let's be friends again? Pls. This is how I and we play here in this forum. You're still a newbie so you're not familiar. But don't worry. Will not do it again. Just keep talking to me. Pls Simula noon, naging okay na kaming dalawa ni Zoro, pero madalas pa rin siyang green minded. Habang tumatagal ay parang naiirita ako na natutuwa sa mga green jokes niya, kasi ang dating niya ay maginoo pero medyo bastos. Hindi lang naman siya ang nag-joke nang ganoon, kaya hindi siya nagsisinungaling. Lahat ng kaibigan niyang ibang lahi sa website forum ay gumagamit din ng hard core green jokes kaya nasanay na rin akong bastus-bastosin nila. Wala rin naman akong magawa, troll poster lang naman ako. Walang may kilala sa 'kin sa pagkatao ko maliban kay kuya, pero mas nirerespeto siya dahil perfect siya mag-english, pero patuloy ko pa rin pino-post ang mga litrato ni Mae para pagnasaan at pagjakulan nila. Hahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD