III. Pagsisimula ng trolling

1248 Words
Bigla niyang inayusan ang kapatid niya nang sobra-sobra. "Alisin mo 'yang strap ng band aid sa dibdib! Diyos ko naman!" hirit ni Delo. Nagtitimpi na lang si Alex at inalis iyon. Bumakat ang kalakihan ng dibdib niya bago siya nilagyan ng lipstick na light pink. Pagkalabas niya ay nagsigawan ang mga bakla at babae sa salon. "Congrats, sister! Napakaganda pala ng kapatid mo." Nagbeso-beso sila kay Delo. "Siyempre, mars! Saan pa ba magmamana?" Habang nagtitimpi lang si Alex sa suot nitong polo na hapit at mini skirt. "Oh siya sige! Alam mo na Alex kung paano maggupit ng buhok. Bata ka pa lang tinuruan na kita," habilin ni Delo bago ito nag-beso. Ngunit habang nagtatrabaho siya ay medyo napikon siya sa mga customer, dahil siguro sa sobra niyang ganda ay nagmukha raw siyang boldstar. Malakas kasi ang s*x appeal ni Alex dahil bukod sa malaki ang hinaharap niya ay taglay niya rin ang kaputian kahit hindi siya nag-gluta; idagdag pa ang mahaba at makapal niyang buhok na aabot na sa puwetan. "Ang ganda ng bata, mare! Ipapakasal ko siya sa anak ko. Parang human doll," bulong ng customer sa salon. Sa sobrang inis ni Alex ay kinuha niya ang vase na may tubig at bulaklak, bigla niya itong binitawan na ikinabasag nito. Nagulat ang ibang nagtatrabaho at ang mga customers bago umalis habang siya ay namumula ang mga mata. Napatawag bigla ang mga ito kay Delo at nagmadali si Delo na hanapin si Alex, ngunit wala na ang kapatid sa salon kaya tinangka nitong umuwi hanggang nakita ito nito na nakasandal sa mama nila at umiiyak. "Baby girl! What happened at bigla ka na lang nag-quit?" malungkot na tanong ni Delo. "Kuya! Nakakainis ka. Alam mo naman na lesbian ako, pero pinipilit mo ako maging straight," umiiyak na sabi ni Alex. Biglang na-guilty si Delo. "It's not about that. Bata ka pa kasi, wala ka pang nakakarelasyong lalaki, pagkatapos 'yong GF mo na piniperahan ka lang! I am just concern, plus 'yong napanaginipan ko kay mama na hiling niya sa 'kin na maging straight ka na," paliwanag ni Delo. "E Kuya, paano kaya kung ikaw pagsuotin ko ng damit pang lalaki? Matutuwa ka ba? Please don't force me to be straight if hindi mo rin 'yon kaya, dahil pareho lang tayong born as lesbians," iyak ni Alex. "Okay, dear. Halika, pa-hug," malungkot na sabi ni Delo at niyakap ang kapatid. "Okay, simula ngayon, you can go back to the computer shop with your kuya Melo. I think masyado akong nawala sa sarili. Siguro dahil magkaiba tayo kasi ako, may boyfriend; tanggap ang pagkabakla ko at minamahal ako nang totoo," paliwanag ulit ni Delo. Kinaumagahan ay biglang bumalik muli si Alex sa internet shop na ikinasaya ng mga customer nila lalo na ni Melo. "Alex, tingnan mo 'to! Ang dami ko ng friend na foreigner sa anime forum. Sikat na ako oh," yabang ni Melo na abot-tainga ang ngiti. Inagaw na naman ni Alex ang mouse at nagbasa-basa; nag scroll at medyo nainggit. "Ang daya mo, Kuya. Saglit lang akong nawala'y inunahan mo na ako." Tumawa si Alex. "Sign na 'yan na makapupunta na ako sa America! Oh Yes!" Mayabang na wika ni Melo. Napatitig si Alex sa forum at malalim na nag-isip, kaya sinubukan niya mag-post ulit ng thread topic at pinilit ang sarili na makipagsabayan kay Melo. Bigla siyang nag-type ng thread. Alex: Hey! I want friend me. I like Naruto, One Piece and One Punch Man and we friends more. Well active here. Pagkalipas ng limang minuto ay in-open muli niya ang topic thread para i-check. Ang dami na naman niyang basher. "Oh no! It's the Asian grammatically incorrect bitch." "Please arrange your grammar! It sucks idiot." "Did you graduated elementary? 'Cause your English diction hurts my head, damn it." "This b***h is a troll, ban her. Asap." Iba't ibang bash na naman ang natanggap niya sa mga foreigner at isa lang sa dalawampo na comment poster ang positive ang reply at ito ay galing sa username na Zoro. Zoro: Stop it guys! She has no English barrier and English is not her first language. Respect her! She's a girl. Muntikan na ulit makipag-away at mag-reply si Alex pero nakita niya ang comment ni Zoro. Simula noon, palagi na rin siyang nagp-post ng mga thread topics kahit masakit sa ulo ng ibang foreigner dahil sa maling grammar niya. Sinasadya niyang uminit ang ulo nila kaya tinatawag na siyang troll at gusto pang i-ban, ngunit ang iba naman ay natutuwa dahil nakatatawa sa kanila kapag grammatically incorrect siya; akala nila sinasadya ito ni Alex. Natuwa rin dito si Melo at tawa nang tawa. "Alex! Sikat na sikat ka ng troll sa forum website," natatawang saad ni Melo. "Hindi ko nga alam, Kuya! Ang tagal ko nang inaral ang English, pero 'di pa rin nila tanggap na okay na ang English ko! Mga hayop na 'yan," galit na sabi ni Alex. "Tingnan mo 'tong si Zoro, kaisa-isa mong tagahanga sa forum. Siya lang ang nagtatanggol sa 'yo. Ni-message ka ba nito?" tanong ni Melo. "Oo, Kuya pero 'di ko pinansin. Bawas oras pa," ani ni Alex. "Sagutin mo! 'Yan ang first step kung pa'no magkaroon ng friends sa anime forum, tol," sabi ni Melo. Hanggang sa isang araw ulit at napag-isipan ni Alex na buksan ang private message sa kaniya ni Zoro. Zoro: Hello there. Pls don't mind those people. They are crazy. Can we be friends? You keep on making me laugh with your post. Pls keep it up. Mensahe ni Zoro sa private message sa forum. Alex: Okay. Thanks kind man. Simula noon, na-addict na si Alex na mag-post nang mag-post ng kalokohang thread topic na pampa-spam. Naging certified troll na siya hanggang nabasa niya sa isang thread topic na pinag-uusapan na naman siya ng mga foreigner; nagtataka kung ano raw ang hitsura niya. Bigla siyang nag-post ng maraming pictures ng mga panget na pinoy comedian actresses. Alex: Hey white people. This is me. Enjoy madapakers. Post niya at tawang tawa sa harapan ng monitor, hanggang sa marami ang nag-comment. "Damn, you're ugly." "It fits your diction. Looks like a monster troll." Kung anu-ano na ang mga comment doon sa thread topic niya na umabot pa ng 1K. Biglang nilapitan siya ni Melo at nagtawanan sila. "Ang galing mo mang-troll, Alex! Naniwala silang ikaw 'yang nasa picture na na-post mo, bwiset ka! Kahawig mo ba si Ai-ai delas alas?" naiiyak na tawa ni Melo. "Hayaan mo sila! Mga walang utak 'yan! Mga uto-uto!" tawang-tawa na sabi ni Alex nang biglang nag-pop ang isang private message galing kay Zoro. Zoro: Hey girl. I know you're kidding. That's not you. I know you're beautiful. Medyo kinilig si Melo. "Uy! Alex! Send mo na lang kaya sa kaniya ang totoo mong picture?" kantyaw ni Melo. Medyo nag-iba ang pakiramdam ni Alex na hindi niya maintindihan kung kinikilig siya o hindi, kaya hindi na lang niya ito ni-reply-an.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD