NAGISING ako na may ngiti sa labi dahil sa nangyari kahapon. Totoo naman ang mga sinabi ko kahapon sa family dinner na naganap. Nagtanong sina ninang Denise and ninong Alejandro about kay Gurang, kaya sinabi kong always pumupunta si Rachelle sa company. Pinagalitan tuloy siya ni ninang Denise. Deserve naman niya iyon. Hindi ko nga napigilang ngumiti sa kanya kagabi, kita ko sa mukha niya na naiinis na siya sa akin. Parang gusto niya akong ibitin patiwarik kahapon. “Mama, maliligo na po ako! May pupuntahan pa po kami nina Trinity, Hazel and Yorich today! Magkikita po kami ngayong araw!” malakas na sabi ko kay Mama nang matapos akong kumain ng breakfast. “Ganoʼn ba? Kapag napadaan ka sa Mrs. DIY store, bumili ka ng bagong gripo, ha? Iyong black and huwag iyong stainless. Papalitan ko n