“We will just deliver your clothes to the company, Mr. Laurier. Makakaasa po kayong malinis at maayos ang damit na ide-deliver po namin sa inyo. Thank you very much again for buying,” sabi ng staff sa amin at yumuko sila sa amin. Natapos na rin sa wakas ang pagpili nina Sir Salvatore and Gurang ng kanilang damit na susuotin para sa Friday. Akala ko aabutin pa kami ng dalawang oras dito dahil sa pagpili nila. Akala ko ba mas matagal mamili ang mga babae ng damit kaysa sa mga lalaki? Pero, wala pang thirty minutes ay tapos na ako pero sila ay naghahanap pa rin. Kaya nang matapos silang bumili ay lumabas na rin kami sa boutique shop na ito. Nauna na akong lumabas sa kanilang dalawa. Napatingin ako sa aking wristwatch at nakita ko roon na mag-a-alas otso naʼng gabi! Nakailang oras kami r