NAKATITIG lamang ako sa laptop na binigay ni Gurang na iyon sa akin. Nakaalis na siya sa harap ko at bumalik sa office room niya, bago siya bumalik ay binigay ko ang ibang papers na naiwan dito. Hindi naman urgent ang mga iyon pero need na niyang pirmahan para wala siyang pending sa akin. Binuksan ko ang box ng laptop at nilabas ko iyon. “Ang ganda,” bulalas kong sabi sa aking sarili. Kulay black ang kulay nito at ang brand ay iyong may kagat na mansanas. May sariling laptop ako at same brand name katulad nito, iyon nga lang ay lumang model na iyon at hindi katulad nito na bago pa. Pero, ano kaya nakain ng isang iyon kung bakit niya ako binigyan ng bagong laptop? Baka may binabalak ang isang iyon, ha? Subukan lang niya ipupukpok ko itong laptop sa ulo niya. Wala akong pake kung masir