NAUNA akong nagising kaysa sa alarm clock kong hindi pa nag-a-alarm. Napangiti na lamang ako nang dahil doon at umupo na muna rito sa gilid ng kama. “Wala pang alas-singko!” energetic na sabi ko sa aking sarili at nag-uunat pa ako. Napatigil din iyo nang makitang may tumatawag sa aking phone. Naningkit ang aking mga mata nang makitang unknown number ang naka-rehistro roon. Nag-aalinlangan akong sagutin dahil nga sa mga nababalitaan ko sa social media and TV na about sa mga scammer. Pero, may pumipilit sa aking isipan na sagutin ko iyon, kaya kinuha ko ang aking phone na nakapatong sa aking side table. “Hello, who's this? May I know yo—” Hindi ko pa naman natatapos ang aking sasabihin nang may sumagot na sa kabilang linya. “Hello, we have an urgent meeting today!” baritonong sabi sa