NAKAPAG-IMPAKE na kaming apat, pagkatapos naming kumain ng breakfast ay umakyat na agad kami para iligpit ang mga gamit namin. “Ibaba na natin ito?” tanong ko sa kanila. Nakita ko ang pagtango ni Yorich sa akin. “Sure, para ibabalik na lamang natin iyong key card sa lobby and pʼwede pa naman tayo mag-ikot-ikot!” saad niya sa amin kaya tumango ako sa kanya. Hila-hila ko na ang maleta and duffle bag ko, maging ang aming shoulder bag ay dala ko na rin. Sumilip pa si Trinity sa huling pagkakataon at baka kasi may nakalimutan pa kami pero wala na raw. Inayos na rin namin ang suit bago kami umalis, nag-spray pa kami ng pabango para malinis at mabango ang ang k'warto kapag may mag-che-check-in muli. Sumakay na kami sa elevator at bumaba na sa lobby. Binigay na nina Yorich and Trinity ang key