"Madam, may gusto po sana akong ipakiusap sa inyo?" tanong ko kay Madam nang bisitahin niya si Master. Magaling na si Master Vladimir ngunit hindi pa kami nag-uusap ngayon. Nang malaman ko kasing nahuli niya akong ninakawan siya ng halik ay hindi na ako nagpakita sa kanya. Nagpanggap na lang din akong may sakit para hindi kami magkita ni Master Vladimir. "Oh, bakit bumangon ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Umubo ako ng sunod-sunod para malaman ni Madam na hindi ako okay. "Pabalik-balik po ang lagnat ko at hindi mawala ang ubo ko." "Magpagaling ka dahil nakabili na ako ng ticket n'yo ni Vladimir papunta sa Pilipinas." Noong una tuwang-tuwa ako dahil makakapunta ako ng Pilipinas pero ngayon hindi na ako natutuwa lalo na't kasama ko si Master. "Madam, puwede bang bumalik na lang