"MAGANDA ba ako?" Nagpa-cute pa ako kay Joseph. Napapansin kong kanina pa siya sa akin nakatingin habang kumakain kami ng lugaw malapit sa bahay na inuupahan ko. Kumunot ang noo ni Joseph. "Iniisip ko kung paano ka gaganda." "Tsk! Ayaw mo lang aminin na maganda ako sa paningin mo." Nagkibit-balikat siya. "Sige, maganda ka na basta sa akin na 'to." Kinuha niya ang nilagang itlog sa lugaw ko, tapo iniinggit niya ako habang kinakain niya ito. "Grabe ang takaw!" Inis kong sagot. Tumawa siya. "Yung itlog lang talaga ang target ko kaya kita tinitingnan." "Kainis!" Ipinagpatuloy ko ang pagkain dahil baka ubusin niya ang pagkain ko. "Rhi, malapit na ang birthday ko anong regalo mo sa akin?" "Wala akong pambili ng ospital kaya 'wag ka ng umasa." "Alam ko namang hindi mo kaya 'yon." Tumi