ILANG-BESES akong huminga ng malalim habang nakatingin ako sa hawak kong baso na may laman ng pineapple juice. "Gusto mo ng lubid?" Tumingin ako kay Jade sabay irap. "Huwag mo akong pansinin dahil malungkot ako ngayon." Muli akong tumingin sa baso ng may laman apple juice na parang mababawasan ito habang tinitigan ko. Sabay ang day off namin dalawa kaya naisipan namin na pumunta ng mall. Nandito kami ngayon sa isang fast-food chain para kumain. "Tanggapin mo na lang ang binigay sa 'yong trabaho o kung ayaw mong ma-resign ka na lang." "Ang galing mo talagang magpatayo." Inis kong sagot. "Anong magagawa natin kung ikaw ang gusto ng bata. Kasalanan mo rin dahil masyado kang naging mabait sa mga pasyente mo ayan tuloy ikaw ang hinahanap." Huminga ako ng malalim. Hindi ko naman puwedeng