CHAPTER 81

2286 Words

TATLONG-BUWAN ang nakalipas mula nang makalabas ako ng hospital. Wala na akong naging balita kay Master Vladimir. Lahat ng social media account niya ay naka-deactivate. Hindi rin sinasabi akin ng mga pinsan niya ang mga nangyayari sa kanya. "Rhi!" nakangiti si Jade sa akin habang papalapit. May hawak siyang palumpon na bulaklak. "Oh, bakit?" "Pinabibigay ng boyfriend mo." Kinikilig na sabi ni Jade. Ngumiti ako. "Thank you." Inamoy ko ang bulaklak pagkatapos ay nilagay ko sa loob ng locker ko. "Hays! Ang sweet talaha ni Joseph. Ang swerte mo sa kanya Rhi. Hindi lang siya guwapo sobrang bait." Bumuntong-hininga ako. Tinanggap ko si Joseph bilang kasintahan upang pagbigyan ang gusto niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya matutunan mahalin. Hindi ko kayang ibigay ang sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD