Inunat ko ang katawan ko nang marinig kong tumunog ang alarm clock ko. Gusto ko pa sanang matulog kaya lang darating na ang driver ni Master Vladimir para sunduin ako. Hays! Ang sarap matulog." Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may mga nag-text sa akin. "Hindi pa siguro gising si Master Vladimir. Wala akong nabasa na text sa kanya." "Good morning, Rhi!" Ngumiti ako. "Good morning, Master Vladimir," sagot ko. Boses ni Master Vladimir 'yon? Lumingon ako at nakita ko si Master Vladimir sa loob ng kuwarto ko. Nakatayo siya sa may pintuan. Hinila ko ang kumot. "M-Master Vladimir! A-anong ginagawa mo rito?" Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "Maligo ka na ang baho mo." "Anong ginawa mo sa akin habang tulog ako?" Kumunot ang noo niya. "Hu? Anong sinasabi mo?" "Hindi ko