"Master! Master!" sigaw ko habang hinahabol ko ang sasakyan nila na papalayo nang hindi ko na maabutan ay tumigil ako sa pagtakbo. "Master…" Nag-uunahan ng tumulo ang luha ko dahil sa sama ng loob. Iniwan nila ako sa lugar na hindi ko naman alam. Wala akong dalang pera at ang sukli na sa binili ko ay binili ko ng pagkain. "Paano ako uuwi?" bulong ko. Tumingin ako sa paligid. Naghahanap ako ng kababayan ko na puwedeng pagtanungan. Sa ganitong pagkakataon ay ang mga kababayan ko lang ang tangi kong malalapitan. "Bakit wala akong makitang kababayan." Naglakad pa ako hanggang sa may makita akong grupo ng mga pilipino na magkakasama. Bumibili sila ng pagkain habang nagtatawanan sila. "Hello! Kababayan!" Nakangiti ako sa kanila. Tumingin naman sila sa akin. "Kumusta kababayan?" sabi ng isa