SAMPUNG minuto na ang nakalipas mula nang magising ako, ngunit hindi pa rin ako bumabangon dahil nakatingin ako kay Master habang mahimbing na natutulog. Kinikilig pa rin ako kapag iniisip ko ang nangyari sa amin kagabi. Pakiramdam ko ay honeymoon namin kagabi. Tinupad niya ang hiling ko na gumawa kami ng baby para mabuntis ako. Gusto kong mabuntis para magkaroon ako ng pagkakataon na pikutin siya. Siguradong hindi niya ako matatanggihan kapag nabuntis ako. Dahan-dahan kong hinaplos ang mukha niya. "Master, mahal na mahal kita," bulong ko sa kanya. Hindi ako nakatiis, hinalikan ko siya ng mabilis sa labi. Pagkatapos ay maingat kong inalis ang kamay niya sa bewang ko. "Hmm… stay here," bulong ni Master Vladimir. Ngumiti ako. "Kanina ka pa gising?" Umiling siya. "Nagising ako dahil hinal