"Nay, tay, mag-iingat po kayo rito sulat na lang po ako kapag nakarating kami sa Manila." Naluluha kong sabi kay Nanay at Tatay. Paalis na kami ni Master Vladimir. Tatlong linggo rin kaming nagbakasyon sa probinsya at talagang sinulit ko ang bawat araw na kasama ko sila. "Bakit ka naman susulat puwede naman tayo mag-video call. Ang layo ng post office dito sa atin pahihirapan mo pa kami," sagot ni nanay. Napakamot ako ulo. "Panira naman kayo ng moment. Nagdadrama nga ako." "Naku, bakit kailangan magdrama hindi ka naman mag-iibang bansa. Tumawag o video call na lang tayo kapag nakauwi na kayo sa Manila." "Opo, babalik na lang kami sa new year ni Master Vladimir." Tumingin ako kay Master Vladimir na saklay na lang ang gamit. Kaya na niyang maglakad kahit paano kaya naging maganda rin an