"Sa bahay ka ni Mr. Osmerch magre-report ngayon," sabi ni Dra. Hernandez nang pumasok ako sa ospital sa oras ng duty ko. Alam ko naman na doon na ako magsisimulang mag-duty. Hindi ko lang alam kung saan ang bahay ni Master Vladimir. "Doktora, hindi ko alam kung paano pumunta sa bahay nila kaya dito muna ako sa ospital pumasok." Tumango siya. "Sige, tatawagan ko si Mr. Osmerch para sabihin sa kanya na nandito ka sa ospital." Umiling ako. "Huwag na po nakakahiya naman." "Kilala ko naman ang pamilya na 'yon kaya 'wag kang mag-alala." Kinuha niya ang phone pagkatapos ay sinimulan niya itong tawagan. Nakaabang ako sa kanya habang naghihintay ng utos. Pagkatapos nilang mag-usap ay tumingin siya sa akin. "Rhi, susunduin ka na lang dito sa ospital para hindi ka na mag-commute papunta sa kan