VLADIMIR'S POV "Babalik ka ulit ng Pilipinas?" tanong ni Mommy nang dumalaw siya sa bahay ko kasama si Vander at Valerie ang mga kapatid ko sa ina. Kumunot ang noo ko. "Sinabi ba sa iyo ni Vander?" Umiwas naman ng tingin sa akin si Vander na parang hindi niya naririnig ang pinag-uusapan namin ni mommy. "Bakit hindi mo sa akin sinabi?" Huminga ako ng malalim. "Bakit hindi sinabi ni Vander ang dahilan tutal sinabi na rin niya sa 'yo na babalik ako ng Pilipinas." Balak kong hindi sabihin kay Mommy na babalik ako sa Pilipinas at bukas na ang flight ko. "Bro, concern lang ako sa 'yo baka kasi masyado ka ng nababaliw sa pagibig at hindi ka na nakakapag-isip ng tama," sagot ni Vander." "Alam ko ang ginagawa ko." "Bakit hindi mo sa kanya sinabi ang totoo para ngayon pa lang ay alam mo na