VLADIMIR’S POV “What’s wrong with you?” inis na sabi ni Lansei sa akin. Nasa loob siya ng kuwarto ko at kasama niya ang boyfriend niya. Ang akala ni Lansei ay hindi ko nakikita ang ginagawa niyang kalokohan sa akin. Huminga ako ng malalim. “Nothing.” Tumayo si Lansei saka hinaplos ang malapad kong dibdib. “May masakit ba sa ‘yo?” “Hindi pa rin ako naka-recover sa pagod ko mula nang pumunta kami ng Pilipinas.” Nakita kong nagkatinginan ang dalawang magkasintahan saka ngumiti. “Baby, ano kaya kung magbakasyon tayong dalawa?” “Saan mo gustong pumunta?” “Parang gusto kong sa ibang bansa naman. Hindi mo naman ako sinasama sa Pilipinas kaya siguro naman ay may karapatan akong mag-request sa iyo?” “Okay, pero 'wag ngayong linggo dahil gusto kong magpahinga para makabawi ako sa pagod ko