CHAPTER 71

2768 Words

"Ang sarap talagang kumain." Nakahawak ako sa tiyan ko dahil sa sobrang kabusugan. Ang dami kong kinain dahil ang ulam namin ay ginataang alimango at pritong tulingan. Kaninang tanghali namin ulam ang ginataang alimango pero dahil marami ang niluto ni nanay kaya umabot ito ng gabi. Nagdagdag na lang si nanay ng pritong tulingan at pritong talong na may ginisang bagoong. "Ang takaw mo parang tatlong tao ang pagkain mo," saad ni Master. "Kuya Vlad, ganyan talaga kumain si Ate Rhi, konti pa nga 'yan kinain niya," saad ng bunso kong kapatid. "Ang sarap kasing magluto ni nanay." "Sus! Nambola ka pa," sagot ni nanay. Tumayo na kami ni Master Vladimir at lumabas kami para magpahangin. May terrace din kami pero gawa sa mga kawayan at pawid. Ang presko dahil ang lamig ng hangin. "Master, sigu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD